Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Privacy ni Derek, dapat irespeto sa demanda ng asawa

080314 Derek Ramsay

ni Ed de Leon

PINAG-UUSAPAN ngayon ang demanda ng asawa ng actor na si Derek Ramsay. Isinampa iyon sa RTC sa Makati. Sinasabi sa demanda na hindi raw sinuportahan ni Derek ang kanilang anak na 11-taong gulang na ngayon, at noon pa raw ay tumatanggi si Derek na sabihing anak nga niya iyon. Ilang buwan lang daw silang nagsama matapos ang kanilang kasal, at nalaman niyang buntis pala siya matapos nilang maghiwalay.

Bagamat nangako raw ng sustento, hindi naman talagang natutupad iyon at kadalasan daw ay pinagtataguan sila ni Derek.

Maliwanag na ang demandang iyan ay paghingi ng sustento para sa sinasabing anak nila. Maliwanag din na ang gusto lamang ng babae ay makuha ang karapatan ng kanyang anak, kagaya nga ng maisunod iyon sa citizenship ni Derek. Si Derek ay isang British. Inireklamo rin niya ang pagkukulang ni Derek sa bayad sa eskuwelahan ng bata, ng tutor, at ang pagbibigay doon ng isang computer na gamit na matapos na iyon ay humingi ng isang Ipad.

So, maliwanag na ang reklamong iyan laban kay Derek ay personal. Wala iyang kinalaman sa kanyang career bilang isang actor. Walang kinalaman iyan sa kanyang propesyon, kaya siguro nga matapos na maibalita ang tungkol diyan, wala nang dapat pang sabihin ang kahit sino at hintayin na lang kung ano ang magiging desisyon ng korte sa kasong iyan.

Siguro sa pagsampa ng kasong iyan sa korte, tiyak na sasagutin din naman ni Derek ang mga bintang sa kanya. Kung piliin niyang ilabas iyon sa publiko ay maaari. Kung hindi naman, kailangan nga sigurong irespeto pa rin ang kanyang privacy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …