Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Husay sa pag-arte ni Xian, masusubukan sa MMK

080914 xian lim
ni Pilar Mateo

ISANG may pisikal na kapansanan ang karakter na bibigyang-buhay ni Xian Lim sa MMK (Maalalaa Mo Kaya) ngayong Sabado, Agosto 9.

Gagampanan ni Xian ang katauhan Johnny Medrano na isa sa napiling finalist ng Gawad Geny Lopez, Jr. Bayaning Pilipino 2014. Sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagawa nitong suportahan ang pamilya at tulungan ang kanyang komunidad.

Tuklasin sa nasabing episode kung paanong ang isang taong minaltrato at naging biktima ng deskriminasyon at kawalang hustisya ay nagagawang mamuhay ng normal habang tinutulungan ang mga katulad niyang may kapansanan na dumaranas din ng pang-aapi.

Tampok din sa episode sina Isay Alvarez, Joey Marquez, Raine Salamante, Izzy Canillo, Kyline Alcantara, at Mary Joy Dalo. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Garry Fernando at panulat niJoan Habana.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Tila ito na ang pinaka-mabigat na challenge sa kakayahan ni Xian sa pagganap sa madramang episode ng MMK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …