Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricky Davao, takot na muling magmahal

073114 Ricky Davao Jason Abalos
 

ni Nonie V. Nicasio

MAS nag-iingat na raw ang premyadong aktor/direktor na si Ricky Davao pagdating sa kanyang lovelife matapos ang hindi magandang kinasapitan ng relasyon nila ni Jackie Lou Blanco.

Sinabi ni Ricky na nakikipag-date naman siya, subalit mas maingat na raw siya ngayon. “I date, I date naman. Mahirap lang, kapag galing ka sa isang relationship, parang mas ma-ingat ka na ngayon e. Mayroong mga moments na dapat ma-in-love na, kaya lang, may mga anak kasi ako na mga babae at nandoon ang focus ko and of course, ‘yung trabaho ko e.

“So, masasabi ko na ang hirap makahanap ng mga tao na maiintindihan ako. Kasi minsan ang babae, siyempre pagka may relationship, gusto araw-araw e. May mga ganoon e,” nakangiting esplika niya.

“E kami, nagte-taping kami ng six ng umaga hanggang alas diyes kinabukasan ng umaga. So, pag-uwi mo ay tulog ka na lang, tapos prepare ka na naman for the following day. So, paano naman ang girlfriend?” Dagdag pa niya.

Ayaw na ba niya ng taga-showbiz? “Depende, ang hirap magsalita ng tapos e. Pero, sana makahanap ng somebody who will understand, na mamahalin ka rin.”

Dahil sa pinagdaanan mo Direk, may point din ba na takot ka nang ma-in-love ulit?

“Actually totoo ‘yan. Medyo may ganoon din. Pero dapat hindi, e. So nilalabanan ko rin. Kasi siyempre, you have to give yourself a chance. Kasi bata pa naman kami e, puwede pa namang mag-move on.

“Of course masarap ma-in-love, masarap may kasama… hindi ba?” nakangiting saad pa ni Ricky.

Si Ricky ay isa sa bida sa pelikulang S6parados na tinatampukan din nina Alfred Vargas, Jason Abalos, Anjo Yllana, Erik Santos, at Victor Neri. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro at kalahok sa New Breed Feature category ng Cinemalaya 2014.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …