Sunday , November 24 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-12 labas)

00 ligaya
WALANG NAGAWA SI LIGAYA LABAN SA MANYAKIS NA AMO PERO NAIPADAMPOT NIYA SI BEHO

Isinakay ang lalaki sa isang mobile car ng pulisya. Nasa loob na ng isa pang behikulo ng pulis-Maynila ang dalagang sinadya ni Dondon sa lugar na ‘yun. Marami itong pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at luhaan ang mga mata sa pananangis. Palayo na ang sinasakyan nitong mobile car nang malingunan niya.

Mula mismo sa mga labi ni Ligaya ay narinig ni Dondon ang buong pangyayari sa paghahain nito ng kasong rape laban sa among binitbit ng mga may kapangyarihan sa himpilan ng pulis-ya. Ganito ang sinumpaang salaysay ng da-laga:

“Pinasok po ako sa kwarto ng amo kong lalaki kaninang mag-a-alas-dos ng mada-ling-araw. Kahihiga-higa ko po lamang noon kaya nagulantang ako sa kama. At agad po akong tinutukan ng kanyang baril kaya naparalisa aking buong katawan sa sobrang takot…

“Pero nang makapag-ipon po ako ng sapat na lakas ng loob at manlaban ay sinuntok niya ako sa sikmura. Dali-dali po si-yang nagbaba ng suot na pajama at mabilisan akong kinubabawan…

“Nang tangkain ko pong manipa habang nagpupumilit kumawala sa pagkadagan niya sa akin ay binayo niya ng malalakas na suntok ang mga hita ko. P-pagkatapos po n’yon ay… ay a-ano po… S-sapilitan na po niyang inangkin ang aking pagkababae…”

Pahagulgol na napaiyak si Ligaya makaraang makapagbigay ng salaysay sa imbestigador ng pulisya.

Halos magkadurog-durog ang puso ni Dondon sa pagkaawa kay Ligaya na niyurakan ng dangal ng among Tsino. Nanginig ang mga kalamnan ng buo niyang katawan sa paghihimagsik ng damdamin. Sa panli-lisk ng kanyang mga mata ay parang gustong-gusto na niyang sugurin at patayin sa sakal ang lalaking lumapastangan sa dalagang katipan.

Alam ni Ligaya na kabilang siya sa mga taong naroroon sa himpilan ng pulisya. Pero kahit sulyap ay iwas siyang mapasul-yap sa kinalulugaran niya. Sa pakiwari niya, dahil sa malabis na kahihiyan ay mas na-naisin pa ang bigla na lang mawala sa kanyang paningin na parang isang bula. At marahil, iyon din ang dahilan kung kaya mula sa presinto ng pulisya ay basta na lang umalis ang dalaga nang walang paalam sa kanya. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *