Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 54)

00 diary pogi

‘PUMASADA’ SI ATOY SA SUKING RED HOUSE NI BIBOY KASAMA SI TABA-CHOY

Naikuwento niya sa akin na relihiyoso’t relihiyosa ang kanyang erpat at ermat. Nagsakristan daw siya noong nag-aaral pa sa elementarya. Noong high school siya ay umiinog lang ang buong buhay niya sa bahay, eskwelahan at simbahan.   At sa pagbibinata ay naging aktibo umano si-yang kasapi ng iba-ibang organisasyong naka-base sa kanilang simbahan.

Palabasa si Taba-Choy ng Biblia. Memorisado niya ang maraming talatang nasusulat sa mga pahina niyon. Kulang na lang ay ipangaral niya iyon kapag nagpapaandar ako ng nagiging karanasan ko sa mga chikababes. Sabi niya, ang sex daw ay para lamang sa mga babae at lalaking pinag-isa ng Diyos sa bisa ng kasal. Sa kanyang paniniwala ay maraming masama at bawal na gawin.

“’Yun nga lang tumingin nang may pagna-nasa sa isang babae ay nagkakasala ka na…” dagdag niya.

Isang linggo na lang at magsasara na ang mga klase. Niyakag ko si Taba-Choy na samahan ako sa pakikipag-bertdeyan kay Biboy. Ipinaalam ko sa kanya na sa bandang Kyusi ang larga namin, Sinabihan ko rin siya na ala-siyete ng gabi ang alis namin sa boarding house.

Nagpatumpik-tumpik si Taba-Choy. Ay, ‘sus! An’dami niyang alibi. Kesyo baka kasi inuman ang pupuntahan namin, e, hindi raw naman siya umiinom. Nang sabihin kong walang alak doon ay baka raw masyado kaming gabihin sa pag-uwi. “Bago mag-ten ay kakalas na tayo,” ang sabi ko sa kanya. “Hindi ba magulong lugar ‘yung dadayuhin natin?” naitanong din niya. Siyempre’y ipinagdiinan ko na tahimik ang lugar na pupuntahan namin at puro disenteng tao ang aming makakaharap doon.

Naisama ko rin si Taba-Choy sa aking lakad….

Nagtaksi kaming dalawa. Kabuntot ng sinasakyan namin ang kotse ni Biboy. Isang malaking gusali sa E. Rodriguez Avenue ang pinasok namin,

“Residential ba ‘to?” tanong ni Taba-Choy.

Tinanguan ko lang siya.

Pag-ibis namin ng taksi ni Taba-Choy ay nag-parking naman si Biboy ng kanyang kotse sa ta-pat ng entrance ng gusali na sadya namin.

Nagtuloy-tuloy kaming tatlo sa loob ng gusali. Umikot-ikot ang ulo ni Taba-Choy sa paglinga-linga sa paligid. Napakunot-noo siya na parang ibig na ibig nang magtanong sa akin. Hindi ko pa rin kasi binabanggit sa kanya na pugad ng mga magaganda at seksing chicks ang kinaroroonan namin — ang suking red house ni Biboy.   (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …