ISINUGOD sa ospital ang isang pintor makaraan matumbok ng rumaragasang ambulansiya habang tumatawid sa Maharlika Highway, Brgy. San Miguel, Sto. Tomas, Batangas kahapon ng umaga.
Tumatawid sa nasabing lugar bandang 7 a.m. ang biktimang si Jason Moya, nang mabundol ng ambulansiyang pag-aari ng gobyerno, na Nissan Urvan, (SJS-361) habang minamaneho ni TSgt. Irwin Opena, ng Philippine Army na nakatalaga sa Camp Nakar, Lucena City.
Agad naisugod ni Opena sa pagamutan ang biktima. (BETH JULIAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com