Sunday , November 3 2024

OWWA admin Becca Calzado no show sa displaced OFWs sa airport!

00 Bulabugin
MARAMI ang mga dumarating ngayon na displaced overseas Filipino workers (OFWs) sa NAIA mula sa Libya. Pero bakit nananatili pa rin ‘kunat-be-located’ este mali can not be located si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Rebecca Calzado.

Simula nang pumutok ang mga problema sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan, lalo na sa Iraq at Libya ay minsan lamang daw nakita ang katawan ‘este’ katauhan ni OWWA chief Calzado na sumalubong upang aluin ang mga pobre nating OFWs.

Si Calzado, na ni anino ay hindi raw nakita sa airport, ay hinirang ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz bilang kapalit ni former OWWA chief Carmelita Dimzon at nanumpa sa bago niyang posisyon noong Hunyo 23.

Naalala ko pa ang sabi ni Baldog ‘este’ Baldoz nang hirangin niya si Calzado, na “I have a marching orders to newly sworn in OWWA administrator Calzado to ensure and extend all forms of assistance to repatriated OFWs, even to not OWWA members, from Libya and Iraq.

Naks naman parang totoo ah?!

Batay sa direktiba ni Baldoz, ang OWWA kasama ang Philippine Overseas Employment Administration, licensed recruitment agencies and their insurance carriers should focus on ensuring that OFWs affected by instability and political upheaval should be brought fast, safe and sound.

Kaya naman para higit na maging mabilis, ligtas at maayos ang pagpapauwi sa OFWs mula sa Libya at Iraq ay itinatag ang DoLE Crisis Quick Response Team na pinamumunuan ni POEA Administrator Hans Cacdac.

Ngunit ang nangyayari at ang katotohanan, tanging si Admin Cacdac lamang ang palaging makikita sa NAIA na sumasalubong sa mga kawawa nating mga kababayan na mula sa Libya at Iraq.

Baka sobrang abala si OWWA chief Calzado sa kanyang malamig na tanggapan kung kaya’t ‘di nagagawang pumunta para sumalubong sa mga luhaan nating mga kababayan at tanging ang mga tauhan lamang niya ang nagtitiyagang magbigay ng airport assistance.

Ano ba ‘yan!?

Ayaw ni PNoy ng ganyan klaseng opisyal sa kanyang administrasyon!

Sa pagpapalipat kina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa Taguig City jail
KUDOS JUDGE PAZ ESPERANZA CORTES!

BILIB tayo sa tibay magdesisyon ng hukom na nakatalaga sa Taguig regional trial court (RTC) kung saan nai-raffle ang kasong assault and serious illegal detention laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Simeon Raz kaugnay ng asunto sa kanila ng actor/TV host na si Vhong Navarro.

Nanindigan si Judge Paz Esperanza Cortes na dapat nang ipadala sa Taguig City jail sina Deniece at Cedric dahil nauukol na roon sila ma-detine habang nililitis ang kasong walang piyansa. Mantakin n’yo naman kung mananatili sa Camp Crame CIDG si Deniece at sa National Bureau of Investigation (NBI) si Cedric at Raz, e ‘di para rin silang sina Jinggoy, Bong at Enrile.

Nakakulong kunwari pero ang sarap ng buhay sa loob.

Hindi ba’t nakapag-birthday party pa nga si Denice d’yan sa Camp Crame?!

Kung hindi magiging matibay ang judge na may hawak sa mga kasong gaya nito, t’yak maraming mga detainees or inmates ang magwawala dahil sa pabor na ibinibigay sa mga kagaya nina Lee, Raz at Cornejo.

Naniniwala tayo na dapat lang papurihan si Judge Cortes sa ipinakita niyang determinasyon at paninindigan.

ANONG MERON KINA OGIE ALCASID AT NOEL CABANGON?!

TAYO naman po ay nagtatanong lang …

Ano ba ang nagawa ng mga entertainment artist na sina Ogie Alcasid at Noel Cabangon para isama at papurihan ni PNoy sa kanyang talumpati nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA)?!

Bakit hindi ang mga batayang sektor gaya ng magsasaka, manggagawa, mga guro sa pampublikong paaralan, mga pangkaraniwang empleyado sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Customs at Immigration at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ano ba talaga ang papel nina Ogie at Noel sa administrasyon ni PNoy?

Opisyal na taga-aliw o stress reliever ba sila ni PNoy?

Mag-a-acoustic si Noel at mag-a-Angelina si Ogie … ganoon ba ang papel nila kay PNoy?

Tsk tsk tsk…

‘Yang kanilang malalaking talent fee ay nakatulong ba sa mga kababayan natin na biktima ng kalamidad?

Pana-panahon talaga ang pagkakataon ‘di ba?!

O sa termino pa nga ni Erap, weder-weder lang ang mga oportunista este oportunidad pala …

Hehehehe …

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *