Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-10 labas)

00 ligaya

KALABOSO SI BEHO ANG MANYAKIS NA AMO NI LIGAYA PERO HINDI NA RIN NIYA NAKITA ANG DALAGA

“Gago pala ang behong ‘yun, e… Umalis ka na lang d’yan nang walang paalam,” ang naibulalas ng binata sa galit.

“Ganu’n nga ang balak ko, ‘Don… Naghahanap lang ako nang magandang tiyempo,” sabi naman ng dalaga.

“Teka, baka kursunada ka ni Beho kaya gayon ang nagiging pagtrato sa ‘yo?” ang biglang naibukas ni Dondon kay Ligaya.

“G-ganu’n nga ang kutob ko, e… At saka sa usap-usapan ng mga kasamahan ko sa trabaho, e, marami na raw sa mga saleslady namin ang nabuntis ng amo kong lalaki,” pagkukwento ng dalaga sa binatang nobyo.

“Manyakis pala ang hinayupak na amo mo!” sabi ni Dondon na sinundan nang malulutong na pagmumura.

Labis na ikinabalisa ni Dondon ang ka-lagayan ni Ligaya sa pinaglilingkurang amo. Naging malaking tulong sa kapanatagan ng kalooban niya ang pagtawag at pa-kikipapalitan ng text sa dalaga

Pero isang hatinggabi ay nagising si Dondon sa walang-patid na pagtunog ng cellphone niya. Si Ligaya ang tumatawag sa kanya. Umiiyak na ito nang magkausap sila. Garalgal at nanginginig ang tinig nito sa kabilang dulo ng linya. Nagmamakaawa na sunduin at kunin niya sa tirahan ng among Tsino.

Biglang naputol ang pakikipag-usap ng binata sa kanyang nobya.

“H-hello, ‘Gaya… Hello!”

Paulit-ulit na umalingangaw sa utak ni Dondon ang tila pagpapasaklolo sa kanya ni Ligaya. Ikinabahala niya ang iyon. At hindi na siya nakatulog sa magdamag.

Sumisilip pa lamang ang liwanag sa pag-uumaga ay naroon na si Dondon sa lugar ng amo ni Ligaya. Tatlong palapag na gusaling pangkomersiyo iyon. Ang una at ikalawang palapag ay pawang tindahan ng sari-saring kalakal at opisina ng iba’t ibang negosyo.Nasa ikatlong antas ang bahay-re-sidensiyal na sadya niya. Doon naninira-han ang kanyang nobya at ang amo nitong may-ari ng isang department store sa Divisoria.

Nagulat pa si Dondon nang mabungaran niya sa ibaba ng tatlong palapag na gusali ang umpukan ng mga usyosero at us-yosera. May dalawang sasakyan ng pulisya roon.Natanaw niyang ineeskortan na ng tatlong pulis sa pagpanaog sa matarik na hagdanan ng establisimyentong iyon ang isang lalaking napoposasan ang mga kamay, patpatin ang katawan, singkit ang mga mata at ‘di kukulangin sa singkwenta ang edad. Nahulaan agad niyang ito ang “manyakis” na amo ni Ligaya. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …