Saturday , November 23 2024

Bakit nangungulelat ang Mapua?

MASAKIT para sa isang tulad kong graduate ng Mapua Institute of technology na makitang nangungulelat ang Cardinas sa basketball competition ng National Collegate Athletic Association (NCAA).

Kasi kahit paano’y nakakantiyawan ako ng ilang kaibigan at nagtatanong kung “bakit ba ganyan ang team ninyo?”

Well, hindi ko rin alam, e.

Kung coach ang pag-uusapan ay okay naman si Atoy Co. Kahit paano ay may stature siya.

Dati siyang King Cardinal. Dati siyang Most Valuable Player sa Philippine Basketball Association. Sati siyang superstar. At nakapag-coach rin naman siya sa amateur level.

So, kahit paano ay qualified siya para sa posisyong binakante ni Chito Victolero matapos ang 88th season.

Pero hindi naging maganda ang unang taon ni Co bilang coach ng Mapua dahil iisang panalo lang ang naitala ng Cardinals.

Marahil ay nanibago lang siya dahil sa minana lang naman niya ang team.

So, sa taong ito ay mataas ang expectations sa kanya. Kasi team na niya ito. Kapado na niya ang Cardinals. Nailagay na niya ang ilang mga players niya.

Pero ganoon pa rin ang resulta, e.

Sa ngayon ay iisang panalo pa lang din ang naitatala nila bagama’t may second round pa naman.

Realistically speaking, hindi na aabot sa Final Four ang Cardinals at ang goal na lang nila ay huwag muling mangulelat.

May nagsasabi na sa huling taon ng three-year contract ni coach Co bilang coach ng MIT at saka lalabas ang buti ng Cardinals. Makapaglalaro na ang mga ni-recruit niya na matatangkad na players.

Ang siste’y wala namang katiyakan na kahit maglaro ang mga iyon ay magkakampeon ang Mapua. At baka pagkatapos ng third year ni Co ay palitan siya dahil sa hindi gumanda ang kanilang record.

Iyon ang counter-productive. Kasi kailangan ay long-term ang programa. Dapat ay bigyan talaga ng pagkakataon si Co na i-rebuild ang Cardinals hanggang sa umabot sila sa itaas.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *