Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 50)

NAKAISOD NA SI LUCKY BOY … NAGKAHARAP NA SILA NI MEGAN

“Natuturuan ba ang puso? Kung pwede sana ang gayon, e, di matagal ka na sanang burado sa isipan ko at nagmahal na lang ako ng iba…” pagpapapungay ng mga mata sa akin ni Justin.

“Patay tayo d’yan!” ang maagap kong pagputol sa pag-e-emote ng baklitang naging kaibigan ko sa panahon ng aming kamusmusan.

Wala akong napigang mahahalagang impormasyon kay Justin patungkol kay Meg.

Nang gabing ‘yun ay pormal akong bumisita kay Meg sa sarili niyang tirahan, bukod sa imported na tsokolate at sariwang bulaklak ay ipinagbitbit ko rin siya ng pizza. Nginitian naman niya ako sa pagsasabi ng “thank you.” Inestima niya akong mabuti sa pag-alalay ng kanyang kasambahay. Nagpakuha siya ng softdrinks sa ref sa matandang babae na tinawag niyang “Manang.” At nakipag-chikahan siya sa akin habang pinagsaluhan namin ang dala kong pizza.

Muling napangiti si Meg nang mapag-ukulan niya ng pansin ang aking mga labi. “Manipis ang mga lips mo na parang pambabae,” aniya sa pangingislap ng mga mata. Sabi pa niya, pati raw mga daliri ko sa kamay at mga binti ay mukhang pambabae rin. Nanlumo tuloy ako. Lumalabas na sa kanyang paningin ay hindi ako isang machong kelotski. Pero may konsolasyon siyang pambawi: “Sa tingin ko, Atoy… sa inyong tatlo nina Jay at Ryan ay ikaw ang pinakamabait at disente.”

Nakapuntos ako pero hindi ko gaanong ikinatuwa. Feminine ba ang dating ng image ko sa kanya?

Nakapagpaalam na ako kay Meg nang biglang sumulpot si Justin. Nag- “hello” siya sa akin at nag- “hi” naman ako sa kanya. At um-exit na agad ako matapos niyang magbeso-beso sa akin.

Tinawagan ako ni Justin sa cellphone kinabukasan ng tanghali. Ibinalita niya na naroroon siya sa lugar ni Meg at kasalukuyang nagbabalitaktakan at nagkakapormahan sina Jay at Ryan. Malamang daw mauwi sa pagrarambulan ang namamagitang awayan sa pagitan ng dalawa kong dabarkads.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …