Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarhento dedbol sa rapido (Dyowa kritikal)

PATAY ang isang pulis habang kritikal ang kanyang kinakasama makaraan paulanan ng bala ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki na lulan ng Ford Everest sa Muntinlula City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay noon din si SPO3 Rolando Lavarez, 54, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-3) ng Muntinlupa City Police, residente sa Antonio Compound, Sitio Fantastic, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Nakaratay at inoobserbahan sa Ospital ng Muntinlupa ang kinakasama niyang si Madonna Belono, 33, ng naturang lugar, tinamaan ng bala sa kaliwang braso, kili-kili at pisngi.

Base sa report na isinumite nina SPO1 Richard Baguyo at SPO1 Eduardo Rodaje kay Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Allan Nobleza, naganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng mga biktima.

Nakatayo ang dalawa nang sumulpot ang isang sasakyang Ford Everest na hindi naplakahan, saka pinagbabaril ng mga suspek sina Lavarez at Belono. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …