Monday , December 23 2024

Ampatuan public & private prosecutors nagrambulan na?!

00 Bulabugin

FOR the nth hour, kung kailan pinag-uusapan na kung paano magkakaroon ng partial promulgation ‘e saka pa nagkaroon ng mga haka-haka at pagdududa na mayroong sumasabotahe sa proseso ng paglilitis sa Ampatuan massacre.

Sinisi at pinagbibintangan ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III ang dalawang private lawyer na sina Atty. Nena Santos at Prima Jesus Quinsayas na nanggugulo at malisyoso.

Ito ay matapos ihayag ng dalawang abogado na si Barang ‘este’ Baraan ay nakipagsabwatan sa abogado ng mga akusado na si Atty. Siegfried Fortun kapalit ng suhol mula sa prime accused na si dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan, Jr.

Mahigpit na itinanggi ni Baraan na akusasyon nina Santos at Quinsayas. Pinanindigan niyang ang bintang ay ‘FABRICATION’ umano.

Pero inamin niya na nag-meeting sila ni Fortun pero ibang kaso umano ang kanilang pinag-usapan at walang kinalaman sa Ampatuan massacre.

What the fact!?

Sa ating pagkakaunawa sa nagaganap na ‘bangayan’ ng prosecutors at private lawyers, ayaw pumayag nghuli na itigil ang presentasyon ng ebidensiya dahil marami pa umano silang ihaharap.

Pero kailangan na rin umanong isalang sa witness stand ang panig ng depensa na mukhang maghaharap din ng sandamakmak na testigo.

Ayon naman sa grupo nina Atty. Harry Roque, dapat ipatupad ang First in-First Out system na pinapayagan ng Korte Suprema, para magkaroon ng partial promulgation.

Sa panig ng prosecutors, nais nilang paboran ang pansamantalang pagtigil ng presentasyon para nga naman mahatulan na ang mga pwede nang hatulan dahil ilang taon na rin naman nakakulong ang mga akusado.

Nagiging komplikado tuloy ang sitwasyon at lalong lumalabo dahil sa paglalabo-labo ng prosecutors at private lawyers.

Unahin n’yo kayang magkasundo muna bago ninyo ilatag ang mga mungkahi ninyo.

Hindi ba mga abogado kayo? Alam n’yo naman siguro ang batayang prinsipyo ng debate at argumento, ‘di ba?

Hindi ba pwedeng sa ngalan ng katarungan at para sa bayan ‘e magkasundo kayo?!

Pwede ba?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *