Sunday , November 24 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 50)

SIRAAN NANG SIRAAN SINA RYAN AT JAY PARA KAY MEGAN PERO IBA ANG DISKARTE NI ATOY

May pintas pa si Jay kay Ryan: “Astang wa-pog (pogi ang katumbas na salitang wa-pog sa nga Caviteño) ang kulangot na ‘yun, e, daig naman ng kilikili niya ang putok ng baril de-sabog.”

Satsat naman ng mahabang dila ni Ryan laban kay Jay: “Diskarte siya nang diskarte kay Meg, pero ‘yung ga-santol na buni niya sa likod, e, ‘di niya madiskartehan para mapagaling.”

Nakaabot na rin sa kaalaman ni Justin ang “cold war” nina Jay at Ryan. Parang mga babaing palengkera ang dalawa kong dabarkads, ang komento sa kanila ni Justin na nagpameryenda sa akin sa isang fastfood sa sentro ng Naic.

“T-teka, ano naman ang banat nila sa akin?” naitanong ko sa aking kababata.

“Nakuuu! Sira-siraan ka nila sa harap ko, e, di makatitikim sila ng jombag sa akin…” sabi ni Justin na nagkuyom ng malalaking kamao.

Matagal-tagal kaming nagkaharap ni Justin sa inorder niyang almusal para sa aming dalawa. Marami kaming naging paksa sa pagkukwentohan. Pero isinisingit ko maya’t maya ang may kaugnayan kay Meg.

“Mabait ba si Meg?”

“Super… Kaya nga naging mag-bespren kami, e.”

“May boyfriend na ba siya?”

“Wala… as in zero.”

“Ano ba ang mga katangian na hanap niya sa isang kelotski?”

Biglang natawa si Justin.

“Sa isang mhin?… Wiz ko siya batid,” iling niya sa akin.

“Sa palagay mo, makapasa kaya ako sa taste niya?”

“Hindi ako mapalagay…”

At nakita ko ang mga gilagid ni Justin sa wagas na paghalakhak niya.

Napakamot ako sa ulo at saka nanahimik sa tamilmil na pagsubo-subo ng pagkain.

“Seryoso ka ba kay Meg, Atoy?”

Napatitig ako sa mga mata ni Justin sa pagtango sa kanya.

“Hay, Atoy ko… made-dextrose ka ‘pag nagseryoso ka kay Bes…”

At minsan pang humagalpak ng halakhak si Justin.

“Back-up-an mo naman ako kay Meg… Tulungan mo ‘ko, ha, please!” naipaglambing ko sa aking kababata. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *