Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lisensya naging peke nang tubusin sa pulis

INIREKLAMO ang isang bagitong traffic policeman dahil naging peke ang lisensya ng isang jeepney driver na kanyang hinuli sa traffic violation sa Tondo, Maynila.

Si PO1 Arni Campo, Jr., nakatalaga sa Manila Police District-Traffic Division, ay sinampahan ng kasong swindling at paglabag sa Article 172 Falsication by Private Indivual and use of Falsified Document, ng biktimang si Michael Paglinawan, 28, ng Lot 21, Phase 1-C, Bonito St., Navotas.

Sa reklamo ni Paglinawan, hinuli siya ni Campo noong Hulyo 21, sa Juan Luna St., Tondo, sa kasong obstruction kaya kinompiska ang kanyang lisensya.

Nang matubos ng driver ang kanyang lisensya sa Manila City Hall ay nakita niyang nagbago ang kanyang lisensya at iba ang mga numero.

Agad inireport ni Campo sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya kaya natuklasan na peke ang ibinalik na lisensya sa kanya nang tubosin sa MTPB. (LEONARD BASILIO/may ulat ni John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …