Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-dyowang tulak 2 pa timbog sa drug bust

ARESTADO ang apat na tulak, kabilang ang mag-dyowa, sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mag-dyowang suspek na sina Alma Talilong, alyas Madam, 47, ng Maria Clara St., 6th Avenue, Caloocan City at Edwin Bolo, alyas Monching, ng Pier 18, Maynila.

Nakuha sa kanila ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4,000 sa buybust operation sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard, South (NBBS).

Sumunod na inaresto si Alfonso Mariano, 47, ng #26 Buenaventura St., Brgy. Tangos, na nakompiskahan ng anim na sachet ng shabu sa isa ring buybust operation.

Inaresto rin sa buybust si Cezar Javier, 57, ng Cabrera St., Brgy. San Roque, Navotas, na nakuhaan ng dalawang sachet ng shabu.

Ang pagdakip sa mga tulak ay bilang tugon sa tinatanggap na reklamo ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Navotas Police mula sa mga residente na talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 ( Dangerous Drugs Act) ang isinampang kaso laban sa mga suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …