Tuesday , November 5 2024

Trillanes may listahan ng ‘coup plotters’

073114 trillanes pnoy
IDINEPENSA ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang impormasyong inilabas na may nagbabalak ng kudeta laban sa Aquino administration.

Ayon kay Trillanes, kanyang nilinaw na noong tinanong siya kung mayroon bang mga heneral na mag-aaklas ay agad niya itong sinagot na may non-active generals ang nagre-recruit sa active officers ngunit hindi lang ito kinagat kaya hindi umusad.

Ayon kay Trillanes, dahil maganda ang moral at solid ang hanay ng mga sundalo sa ngayon kaya walang dahilan para kagatin ang pag-recruit ng mga retiradong heneral.

Inihayag ni Trillanes, hindi gawa-gawa lamang niya ang kwento dahil ang nakuha niyang impormasyon ay ipinasa na niya sa mga kinauukulan para beripikahin.

Bukod dito, may hawak siyang listahan ng mga pangalan ng mga heneral at ilang opisyal ng ibang ahensiya ng gobyerno na kasama sa nagpaplano ng kudeta ngunit hindi niya maaaring ilabas dahil bahagi ito ng intelligence information.

Sinabi rin ng senador na hindi pwedeng ipalabas ang listahan dahil baka iugnay sa ilang politiko.

(CYNTHIA MARTIN/

NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *