Sunday , January 19 2025

Balahura ba talaga si Vice Ganda?

00 Bulabugin
MAHIGIT isang taon na ang nakararaan, nalagay sa isang matinding kontrobersiya si Vice Ganda (Jose Mari Viceral) nang gawin niyang katatawanan ang ‘RAPE’ sa kanyang Araneta dome show noong May 17, 2013.

Naging kontrobersiyal ang ‘RAPE JOKE’ ni Vice Ganda hindi lang dahil ginawa niyang katawa-tawa ang isang kilalang broadcast journalist (Jessica Soho) kundi ang kanya mismong insensitibong pananaw tungkol sa panggagahasa.

Sa kanyang pagpapatawa, ginamit ni Vice Ganda ang ‘RAPE’ na tila isang kahangad-hangad na senaryo para sa isang babae.

Isang intelihenteng tao si Vice Ganda kaya mahirap isipin na hindi ba niya naiintindihan ang kanyang mga sinasabi?!

Ngayon, heto na naman si Vice Ganda … sabihin ba naman na: “Hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag-aaklas. ‘Yung iba d’yan nabayaran lang at sinuhulan ng pambili ng bigas.”

Again, itatanong natin kay Vice Ganda, naiintindihan ba niya ang sinasabi niyang ito?!

Alam natin na madikit siya sa kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III na si Kris Aquino …hindi lang basta madikit kundi sanggang-dikit talaga sila …kahit itanong pa ninyo kay James Yap at kay Kuya Boy Abunda.

Sa unang linya (hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag-aaklas …) ay talagang gusto niyang wasakin ang kredibilidad ng mga kababayan natin na nagsipag-rally doon sa Commonwealth Avenue laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Noynoy at kontra sa mismong nag-deliver nito.

Sa ikalawang linya: (‘Yung iba d’yan nabayaran lang  at sinuhulan ng pambili ng bigas) — BOOM PANES!

O ‘di ba nag-boomerang agad sa kapatid ng kaibigan niya — merong sumasama sa rally na nauulanan, naaarawan, nagmamartsa nang napakalayo, nagugutom, nauuhaw, bobombahin ng tubig, babatutain ng pulis (kapag minamalas ‘e makukulong pa), aabutin nang dilim sa kalye at maaaring kulang pa ang pasahe pauwi — kapalit ng pambili ng bigas?

Kung totoo man (kung totoo ha) — na pumapayag ang mga raliyista para may maipambili lang ng bigas — s’yempre ang tanong BAKIT?!

Pumapayag sila na nauulanan, naaarawan, nagmamartsa nang napakalayo, nagugutom, nauuhaw, bobombahin ng tubig, babatutain ng pulis (kapag minamalas ‘e makukulong pa), aabutin nang dilim sa kalye at maaaring kulang pa ang pasahe pauwi — para lang sa pambili ng bigas? Ilang kilong bigas?

Anong LOGIC?!

At kung totoo nga na dahil sa pambili ng bigas — ano ang ibig sabihin?

Ibig sabihin, marami na ang nagugutom sa administrasyon ni PNOY, dahil walang hanapbuhay at walang maasahan sa gobyernong ninanakawan ng mga mambabatas at iba pang opisyal, kaya sumasama na lang sa rally ang mga tao para may maipambili ng bigas?!

Kasi nga walang trabaho, walang libreng aral, walang libreng ospital, walang makain sa administrasyon ni Noynoy!

Ibinulsa na ang PDAF ni Janet Lim Napoles at ng mga mambabats sa pangunguna nina Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada …

Diniskartehan pa ni Budget Secretary Butch Abad at PNoy mismo ang SAVINGS ng gobyerno na pinangalanan nilang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Unconstitutional na nga, sabi ng Supreme Court pero ipinipilit pa rin …Ay sus!

O ‘di ba sapol — sapol ang lolo mong PANOT, Vice Ganda!

Wala ka kasing kadala-dala … huwag ka nang makisali sa mga usaping politikal …mag-focus ka na lang sa Showbiz at magpatawa ka na lang baka maaliw pa ang sambayanang nagugutom.

D‘yan maililigtas mo sandali ang utol ng BFF mo, sa sandaling pagkaaliw ng mamamayan.

Pero take note … sandali lang ‘yun!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *