Sunday , November 24 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-6 labas)

HALOS ISANG TAON NAGBAKASYON SA LOOB SI DONDON, NA-MISS MAN NIYA SI LIGAYA NAKABUO NAMAN SIYA NG BARKADA

Kinilala si Dondon sa himpilan ng pu-lisya ng ginang na kanyang nabiktima. Napiit siya sa isang selda roon na pagkakipot-kipot, malamok at saksakan ng baho. “Agaw-cellphone ang ikinaso sa kanya.” Pero dumating lamang ang babaing nagrereklamo sa kanya noong una silang magharap sa sala ng piskal na may hawak sa asunto. Pagkaraan niyon ay hindi na ito sumipot sa mga itinakdang pagdinig sa kanyang kaso. Bunga niyon ay nagdesisyon ang korte na palayain siya sa pagkabilanggo dahil na rin sa kawalan ng interes ng nagsakdal.

Kulang-kulang sa isang taon din naghimas ng rehas na bakal ang binatilyo. Dito sila nagkakilala at naging magka-kosa ni Bong Helicopter, ang bosyo-bosyo sa kinasadlakan niyang brigade. Masyadong mahangin sa mga pakikipagkwentohan kaya ikinabit sa pangalan ang katagang “helicopter.” Kasong may kaugnayan sa droga ang dahilan ng ‘pagbabakasyon’ niya sa kalabosohan.

“Isasama kita sa diskarte ko sa labas paglaya natin dito. Tayong dalawa ang magpa-partner sa paggawa ng delihensiya,” ang pangako sa kanya ni Bong Helicopter.

Isang araw bago ang ikalabingwalong taon kaarawan ni Dondon ay natanggap na agad niya ang pinakamalaking regalo na pa-bertdey sa kanya ng tadhana — ang maging malaya. Ipinangolekta siya ng ‘pabaon’ ni Helicopter sa kanilang mga kabrigada. Isang libong piso ang karagdagang biyaya na sumakamay niya mula sa kontrubusyon ng kanyang mga kakosa.

Binati siya ng mga kakosa ng isang bagsak ng malakas na “happy birthday” at matutunog na palakpakan habang binubuksan ng jail guard ang pintuang bakal ng kanilang selda.

Sa pagtapak ng kanyang mga paa sa labas ng piitan ay daig pa niya ang nagdaos ng malaking selebrasyon sa isang sikat na restoran. Bumilis ang pintig ng puso niya sa nadamang tuwa at masidhing pananabik kay Ligaya.

Agad sumaisip ni Dondon si Ligaya na isa nang ganap na dalaga noon. Mahubog ang katawan at magandang manamit. Lubhang kaakit-akit sa mata ng mga kalalakihan. At ‘di iilan sa mga suking parokyano ng karinderya ang manliligaw niya, binata o may asawa man. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *