DAGUPAN CITY – Posibleng iapela ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital sa lunsod
ng San Carlos ang paniniwala nilang sa kanilang pagamutan isinilang ang tinaguriang 100
millionth baby na inabangan noong madaling araw ng Linggo.
Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH, eksaktong 12:20 a.m. ipinangana
k ni Pamela Pedronio ang sanggol na lalaking si John Paul, siyang pinakamalapit sa oras
na itinakda ng PopCom para sa pagpili ng maswerteng sanggol na mabibigyan ng maraming
benepisyo hanggang paglaki.
Ipinanganak aniya si Baby John Paul sa pamamagitan ng normal delivery na isa sa
requirements sa pipiliing sanggol.
Binigyang-diin ni Manuel, dapat ay na-monitor ito ng PopCom national Office.
Matatandaan, nagmula sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila ang
kinilalang ika-100 milyong Filipino na ipinanganak dakong 12:35 a.m. ng Hulyo 27.
Pagkakalooban ng regalo ang sanggol ng ilang ahensiya ng pamahalaan, habang ang ibang
grupo ay magkakaloob ng tulong hanggang sa paglaki ng napiling sanggol.