Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rain or Shine papasok sa trade

DAHIL walang masyadong sentro ang papasok sa draft pool ng PBA  ngayong taong ito, malamang ay papasok sa trade ang Rain or Shine para makuha ang nais nitong big man upang palakasin ang ilalim ngayong bagong PBA season.

Hawak ng Elasto Painters ang ikalawang pick sa PBA Rookie Draft sa Agosto 24 at balak nitong kunin si Chris Banchero bago siya itapon sa ibang koponan.

Isang big man na nais kunin ni coach Yeng Guiao ay si Jay Washington ng Globalport na dating manlalaro ng ROS sa PBL.

Kulang kasi ang Painters ng big man para makatulong kina Beau Belga, Jervy Cruz, Raymond Almazan, Larry Rodriguez at JR Quinahan na may pilay pa hanggang ngayon.

Maraming mga guwardiya ang inaasahang papasok sa draft tulad nina Banchero, Stanley Pringle, Kevin Alas, Garvo Lanete, Jake Pascual, Ronald Pascual at Matt Ganuelas.

Ngunit may plano ang MVP Group na magtayo ng bagong koponan sa PBA D League kapalit ng NLEX at nais nitong mapanatili  sina Alas, Lanete, Ganuelas at dalawang Pascual bilang mga amatyur para sa isa pang taon at payagan silang maglaro sa PBA sa susunod na taon.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …