Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masarap tumulong sa mga bata — Marbury

INAMIN ng dating point guard ng NBA na si Stephon Marbury na kakaiba ang kanyang nararamdaman tuwing tumutulong siya sa mga batang may sakit.

Nagsimula si Marbury sa pagtulong sa kapwa noong siya’y naglaro pa sa NBA at tinulungan niya ang mga naging biktima ng 911 terrorist attacks sa Amerika noong 2001 at ang mga nasalanta ng Hurricane Katrina noong 2005.

Pero mas may halaga para kay Marbury ang mga batang may sakit dahil naniniwala siya na may kinabukasan sila kung bibigyan sila ng tamang aruga.

Nandito sa bansa si Marbury upang ilunsad ang kanyang bagong jersey sa tulong ng Jersey Haven para makalikom ng pera para sa mga batang may sakit na bilary artresia.

Samantala, balik-Tsina si Marbury ngayon upang magsimulang mag-ensayo para sa Beijing Ducks sa kanilang pagdepensa sa titulo ng Chinese Basketball Association (CBA).

Nagtayo pa ng mga taga-Beijing ng istatwa ni Marbury bilang pasasalamat sa kanyang kontribusyon upang lalong sumikat ang basketball sa bansa.

Sinibak ang dating coach ng Tsina na si  Panagiotis Giannakis pagkatapos na hindi nakapasok ang mga Intsik sa Final Four ng FIBA Asia Cup dito sa bansa at tuluyang mawala sa kontensyon sa FIBA World Cup sa Espanya kahit wildcard man lang. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …