Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imelda, Gloria at Aileen, magko-concert

072914 imelda papin Gloria Aileen
ni Letty G. Celi

HERE comes the Pain!! ‘Pag sinabing Papin, Imelda ang nasa isip natin lalo’t may titulong Asia’s Queen of Sentimental song at alam na natin ang kalibre bilang singer at recording artist.

Sa ngayon medyo pasulpot-sulpot lang siya at hindi gaanong active sa  arangan ng musika, maliban na lang sa mga imbitasyon ng mga taong hindi niya natatanggihan. Dumalo siya sa Back and Faith.

Si Imelda at kanyang pamilya ay may negosyo sa Tate at halos lahat ng kaanak niya, ang mga Papin ay nasa US na. Ang mga kapatid na sina Gloria at Aileen at anak na si Maffi ay magaling din kumanta.

Pangarap ng mga parent nina Mel, Aileen, at Gloria na sina Papay Rosendo at Mamamy  Justina  na magkaroon silang tatlo ng album at mag-concert. Pero ‘di ito natupad dahil two years ago yumao si Papay Rosendo at last month namatay si Mamay Justina. Pero pagbibigyan nila ang dream ng kanilang parents  na magkaroon ng album at mag-concert.

Mauuna ang concert at ang kikitain dito ang ipangpo-produce ng album. Bago mag-Christmas sa Resorts World Manila gaganapin kaya ngayon pa lang, after 40 days kamatayan ni Mamay Justina, ay sinisimulan ng kausapin ni Mel  ang mga taong  concert ang forte, ganoon din ang venue dahil unahan ngayon sa mga lugar na dausan ng mga event sa panahon ng Yuletide.

Ang title ng concert nila ay Papins, In Concert tampok ang tatlong original na mang-aawit na sina Mel, Gloria, at Aileen plus ang mga young Papins na mga kaanak nila at pawang magagaling kumanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …