Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline Quinto, live @ Klownz!

072814 angeline quinto klownz

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang hindi makatanggap na may something between Prince of Pop Erik Santos at ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto.

Pinagdududahan kasi ng marami hindi lang ang gender ni Erik kundi maging kay Angeline. Kahit na naging very open naman si Erik sa past relationships niya with a woman at isa na roon ang sexy star na si Rufa Mae Quinto.

Habang si Angeline naman ay hindi idinenay na nagkaroon siya ng non-showbiz boyfriend before na mahal na mahal niya talaga ‘yung guy. At naging very open din si Angeline sa paghanga sa past leading men niya na sina Coco Martin at Sam Milby.

Sa pagkakaalam namin maraming may type kay Angeline na lesbians pero hindi siya ang tibo. But for sure, pareho lang pinagtatawanan ng dalawang champions ang gender issues sa kanilang dalawa.

What’s important, eh, happy sila together.

Keber sa mga nagdududa! Ha!Ha!Ha!

Ang alam namin mabuting anak itong si Angeline. Malaking krus nga ang pasanin nitong si Angeline pero nake-keri naman niya.

Pareho niya kasing tinutulungan ang both sides ng mother at father niya. Tuloy-tuloy ang pagtulong niya sa relatives ng mommy niya especially her lola na tinutulungan siya sa pagpapa-doktor.

May kuwentong nakakatuwa ang isang radio host kay Angeline. Kahit nag-champion na noon si Angeline sa singing competition na sinalihan niya sa ABS-CBN, eh, gusto pa rin niyang sumali sa mga barangay singing competition gaya noong kinalakihan niyang gawin para may maitulong sa kanyang pamilya.

Kaya maganda talaga ang puso nitong si Angeline. At kung anuman ang sexual preference ni Angeline, siya na ang mananagot niyon sa Itaas.

Anyway, malapit na malapit na ang show ni Angeline sa KLownz Quezon Avenue on July 30, Wednesday na pinamagatang  Angeline Quinto Live@Klownz!

Tiyak masusulit ang pagbili ninyo ng tiket dahil more than 16 songs ang ibibirt na mga awitin ni Angeline sa audience.

Plus, may libreng CD for every ticket sold ng official soundtrack sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Makabibili na kayo ng tickets sa Klownz Quezon Avenue, Zirkoh Tomas Morato at paki-text ang mga numerong 09372116680 at 09435895754.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …