Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2.606-T 2015 budget ihahain sa Kamara

KINOMPIRMA ni Budget Sec. Butch Abad na hindi na nadagdagan o nabawasan ang P2.606 trillion proposed national budget sa 2015 na unang iniharap sa gabinete.

Ang nasabing national budget ay mas mataas nang 15 porsiyento sa 2014 at nakatakdang ihain sa Kamara pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III sa Lunes.

Sinabi ni Sec. Abad, pangunahin sa pinaglaanan ng pondo ang Social Protection and Social Services, Job Generation and Economic Expansion, Climate Change Adaptation and Mitigation at Enabling Environment for Inclusive Development.

Ayon kay Abad, wala nang naisingit o naitagong alokasyon para sa pork barrel o ano mang discretionary fund ng mga mambabatas makaraang ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Sa 2015 budget, hindi na aniya mauulit ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at ayaw nilang labagin ang desisyon ng Korte Suprema.

Batay sa 2015 proposed national budget, ang conditional cash transfer program (CCT) sa ilalim ng social protection ay tinaasan mula P62.6 billion hanggang P78 billion, habang ang National Health Insurance Program ay tinaasan din mula P35.3 billion hanggang P37.2 billion, at ang alokasyon sa basic educational facilities gaya ng classrooms, water and sani-tation ay dinagdagan mula P44.6 billion at ginawang P52.7 billion.

Samantala, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay tatanggap din nang mas mataas na alokasyon mula P130.4 billion hanggang P186.6 billion.

Ang pondo para sa tourism infrastructure development ay tumaas din mula sa P14.7 billion at ginawang P20 billion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …