Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, ‘di pala nasapak, nagparetoke pala

072614 claudine

ni Ed de Leon

NATUWA pa naman kami, dahil sabi nga namin siguro gusto talaga nilang makatulong sa mga kababaihan, kaya naglabas pa ng isang serye ng mga picture ang abogado ni Claudine Barretto na parang tutorial o pagtuturo kung paano ang tamang paggamit ng concealer at make up.

Ipinakita iyong mukha ni Claudine na akala mo nasapak ni Pacquiao, kasi talagang halos sugat iyong ibaba ng dalawang mata. Pero kung titingnan mo ang picture, mukhang pantay na pantay talaga ang sugat. Parang sukat eh. Tapos, noong masabi na kung paanong maitatago iyon sa pamamagitan ng concealer at make-up, nagsabi siya, “bahala na kayong humusga kung sino ang gumawa niyon”.

Naku, eh napakahirap palang hulaan kung sino ang gumawa niyon. Definitely hindi si Manny Pacquiao. Hindi rin namin mahulaan kung ang gumawa niyon ay si Belo o si Calayan o ibang doctor. Iyon palang sugat na iyon sa ilalim ng mata ni Claudine ay hindi naman dahil nasapak siya eh. Iyon pala ay dahil sa isang medical procedure dahil nagparetoke siya.

Nadesmaya naman ako, akala ko walang retoke ang mukha ni Claudine, dahil hindi ba panay ang parinig niya sa ate niyang si Gretchen Barretto na sinasabi niyang ang mukha ay tadtad na ng saksak ng botox. Eh siya rin naman pala nagparetoke noon pang 2010.

Dahil sa palagay nga nila, nagkaroon ng malisya ang make-up at concealer tutorial na inilabas ng abogado ni Claudine, inilabas naman ng kampo ni Raymart ang iba pang pictures na ganoon din na magpapatunay na iyon ay dahil sa isang medical procedure. Meaning, kuha iyon matapos siyang magparetoke ng kanyang mukha para mas magmukha siyang payat.

Ito tapatan na ito ha, kung kami kasi ang tatanungin, lugar na pareho naming kakilala iyang dalawang iyan. Mas kapani-paniwala si Raymart.

Noong una ngang kaaway niya ang mga kapatid lang niya, kinampihan pa namin iyang si Claudine sa gulo nila eh kasi parang kawawa siya eh. Noong bandang huli lumabas na ang maraming nakapagdududang statement niya. Paano mo naman siyang paniniwalaan?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …