Saturday , November 23 2024

K – 12 program ng Department of Education dapat lang suspendihin

00 Bulabugin

SANG-AYON tayo sa mungkahi ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na isuspendi muna ang K – 12 program ng Department of Education (DepEd) lalo’t hindi pa malinaw kung paano ito ipatutupad.

Hindi rin klaro kung saan kukuha ng budget. Sabi nga ng ibang mga guro, ang napapaboran lang ng budget para sa mga training sa K – 12 program ‘e ‘yung malalapit sa kusina.

Habang ‘yung ibang DepEd officials naman ay sinasabing inabonohan muna ng kanilang eskwelahan ang training ng mga guro para sa K – 12 program.

‘E ‘yung malaking kakulangan sa classrooms, sa upuan, sa libro?!

‘Yung modules ng K – 12 program, tapos na ba? May magagamit na ba ang mga guro?

E ano ba talaga ang totoo, Secretary Armin Luistro?!

May budget na ba talaga ang  K – 12 program o ‘NGANGA’ lang talaga ang mga guro sa programang ito.

Naresolba n’yo na rin ba kung saan mapupunta ang mahigit 86,000 professors and instructors na maawalan ng trabaho dahil dalawang taon mawawalan ng enrollees sa kolehiyo kapag ipinatupad na ang programa?!

What the fact?!

Ito ang problema sa gobyernong Pinoy, gaya-gaya lang sa ibang bansa.

Hindi natin alam kung bakit biglang ipinanganak ang K – 12 program ni Lusitro …

Iniisip ba talaga niya kung ano ang positibong maidudulot n’yan sa sistema ng edukasyon?!

O talagang instrumento siya para lalo pang ‘mabansot’ sa maraming aspeto ng pagkatuto ang kabataang Pinoy?!

ITIGIL ‘yang K – 12 program!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *