Tuesday , November 5 2024

NBA “five on five” games with Gilas Filipinas charity o panggogoyo?

00 Bulabugin

HINDI raw nagkaintindihan … ‘yan ang katuwiran ni business tycoon Manny V. Pangilinan nang hindi matuloy ang paghaharap ng NBA All-Stars vs GILAS Pilipinas para sa “FIVE ON FIVE” games nitong nakaraang Martes.

Kabilang sa NBA team sina Houston Rockets’ James Harden, San Antonio Spurs’ Kawhi Leonard, Damian Lillard ng Portland Trailblazers at DeMar DeRozan ng Toronto Raptors.

Ang “five on five” ay nakatakda sana nitong Martes at Miyerkoles pero sa unang gabi pa lang ay nadesmaya at nabwisit na ang fans dahil wala naman palang games kundi practice drills lang umano.

What the fact!?

Doon na nagsigawan ang fans. Talagang dumagundong ang “BOO” at “GIVE US BACK OUR MONEY!”

‘E mantakin naman ninyong gumastos ‘yung fans ng P23,300 (US$530), ‘yung iba P10,000 pagkatapos papanoorin lang sila ng practice drills?!

Nang hindi pa rin tumitigil ang sigawan ng fans, napilitan yatang magsalita ‘yung organizers at sinabing ire-refund na lang nila pero may pahabol na ang nasabing event na co-sponsored ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) ay para sa charity.

‘E ‘yun na nga ‘yun ‘di ba … wala naman problema kung para sa charity ‘yan pero dapat tumupad sila sa inaasahan ng fans.

Kaya marami ang nag-isip, para ba talaga sa charity ‘yan NBA All-Stars vs Gilas Pilipinas o panggogoyo lang talaga?!

By the way, saan, kanino at kailan ba ire-refund ‘yang mga tiket na ‘yan?!

Nag-commit nga kayo na ire-refund ninyo pero hindi n’yo naman sinabi kung saan, kanino at kailan?!

Hay naku, wala kayong ipinagkaiba sa serbisyo ng PLDT … BOOM BULOK!

PAALAM TATA KUNE (CORNELIO R. DE GUZMAN)

BUKAS, araw ng Linggo, ihahatid na sa huling hantungan ang isa sa mga kinikilalang manunulat at mamamahayag sa bansa — si Cornelio “Tata Kune” De Guzman.

Supling ni Tata Kune ang ilang beses nang nahalal na Director ng National Press Club (NPC) na si Tempo editor Ronniel de Guzman — ang ama naman ng kontemporaryong actor na si JM De Guzman.

Hindi ko malilimutan si Tata Kune … dahil mula sa unang pagkakataon na ako’y tumakbong direktor ng NPC (2004) ay hindi lang niya ako sinuportahan kundi ikinampanya pa.

At sa bawat pagtakbo natin hanggang maging Pangulo ang inyong lingkod ng NPC noong 2010 – 2012 laging nakaalalay si Tata Kune at ang mga kasama niyang NPC Lifetime Members.

Hindi lang suporta, kundi naramdaman din natin ang pusong-ama ni Tata Kune sa mga panahon na tayo’y kanyang pinapayuhan.

Kay Tata Kune, hindi kailangan dumaing, siya mismo, para siyang sariling tatay na nararamdaman kapag kailangan mo ng payo at mga pangaral.

Sa mga batang mamamahayag, alam natin na bihira na lang ang nakakikilala sa kanya …nanghihinayang tayo para sa mga batang hindi na siya nakilala …

Naalala natin noong panahon na tayo’y nanunungkulan bilang NPC President, binibigyan natin ng pagkilala ang NPC LIFETIME MEMBERS kahit posthumous na.

Naniniwala tayo na deserving si Tata Kune para sa ganitong pagkilala.

Paalam Tata Kune … hangad natin ang iyong mapayapang paglalakbay patungo sa Dakilang Pinagmulan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Vilma Santos

Vilma ‘di pa kampanya pero naiikot na buong probinsiya sa relief operations

HATAWANni Ed de Leon HINDI naman disappointed ang mga Vilmanian kung hindi man sila nakipag-birthday party kasama …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Atasha Muhlach PMPC Star Awards for Music

Atasha nakasungkit 2 award sa PMPC 16th Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI ang magandang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalesna si Atasha Muhlach sa katatapos na 16th Star …

Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …

Tim Yap Carlos Yulo Chloe San Jose Donnie Pangilinan Hannah Pangilinan Pamela Rose

Tim Yap patok ang pa-Halloween party sa mga artista

I-FLEXni Jun Nardo ALL Saint’s Day ngayon araw. Nobyembre 1. Kaya naman naglabasan na naman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *