Inoobliga na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga may-ari at operator ng drone sa bansa na iparehistro ang kanilang equipment para mabigyan ng lisensiya sa pagpapalipad upang maiwasan o makontrol ang hindi awtorisadong flight.
Ayon sa CAAP, dumarami na ang drone users sa Filipinas dahil sa pagbagsak ng presyo nito sanhi sa dami ng gumagamit kung saan patuloy na tumataas ang teknolohiya dito.
Nagbabala din ang naturang ahensiya sa mga gumagamit ng unmanned aircraft vehicle (UAV) tungkol sa alituntunin at procedures ng paggamit sa naturang equipment.
Dahil sa kasikatan nito, ang nasabing UAV ay kalimitang nilalaro sa first world countries ng amateur photographers, hobbyists, researchers, at geodetic survey firms kabilang na rin ang media entity.
Sa ilalim ng probisyon ng Philippine Civil Aviation Regulation Part II, sinumang operators na makikitaan ng paglabag ay pagbabayarin ng halagang P300,000 hanggang P500,000 per unauthorized flight, o depende sa mga nilabag.
Ayon kay CAAP Assistant Director General Capt. Beda Badiola, ang pangunahing trabaho ng kanyang tanggapan ay alamin at i-regulate ang lahat ng flight operations ng mga sasakyang panghimpapawid “may tao man o wala” sa Philippine airspace, lahat ng lumabag sa memorandum ay agad pagmumutahin ng aviation regulator upang maiwasan ang ikinokonsiderang restricted area katulad ng airports, mataong lugar at ”no fly zone.”
Dagdag ni Badiola, na concurrent head ng Flight Standard Inspectorate Service (FSIS), base pa sa memo, ipinaliwanag na ang controller ng UAV ay para na rin isang flight crew kung ang UAV ay manned aircraft. (GMG)