KUNG hindi si 3-point gunner Juneric Baloria ay si slasher Earl Thompson ang itinuturing na puso’t damdamin ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Altas ni coach Aric Del Rosario, ngunit hindi maitatatwang si Harold Arboleda ang haligi nito.
Nasa 3-1 ang baraha ngayon ng Las Piñas-based squad, bumubuntot lang sa 3-0 na 5-straight champs San Beda.
Kamakalawa, bagamat nabigo ang kanyang grupo ay nag-ambag ng pambihirang tulong ang 6’3″ combo forward.
Nagbuslo siya ng 11 puntos, 3/3 sa tres, nagbaba ng 20 rebs, dumukot ng 5 steals, namahagi ng 5 asts at may 3 butata – ibang klase.
Bihira sa isang college player ang ma-kagawa ng 10+ pts, lalo na ang makasungkit ng 20 rebs. Gayon din ang 5, 5, 3 sa departamento ng asts, stls at blks. Para makamit ito, kinakailangan ng mataas na kalibreng manlalaro — parang si Arboleda.
Sakto ang laki para sa 3-4 spot, may ball handling ability, mala-agila ang mata sa kanyang court vision at tirador si Arboleda. Parang si Ranidel De Ocampo ng Gilas Pilipinas ang kalibre ng batang ito.
Napakalaki ang potensyal ng Altas slotman na si Arboleda. Dagdagan pa ng iba-yong pagsisikap, hindi malayong maging consistent dominant force sa collegiate basketball at sa professional level. Complete package kasi ‘ika nga nila.
Hindi masyadong nabibigyan ng pansin, pero si Arboleda ang unsung hero sa ma-tagumpay na kampanya ng Perpetual.
ni John Bryan F. Ulanday