Thursday , December 26 2024

JC de Vera, humahataw ang career mula nang lumipat sa ABS CBN

072514 jc de vera

ni Nonie V. Nicasio

MALAKI ang naging pagbabago sa takbo ng career ni JC de Vera magmula nang lumipat siya sa ABS CBN.

Dating talent ng GMA-7 si JC, tapos ay kinuha siya ng TV5. Mula sa dalawang network ay lumipat naman siya sa Dos at sa tingin namin ay naki-ta na rin ni JC ang kanyang home network nang naging bahagi siya ng Kapamilya Network.

Sa ngayon ay isa ang actor sa bida sa sa afternoon soap opera na Moon of Desire. Siya ang leading man ni Meg Imperial dito at isa ito sa blessings na labis niyang ipinagpapasalamat.

“Sobrang bait po ni Lord sa akin. Iyon lang po ang masasabi ko, God is great, Siya iyong nagbibigay ng lahat nang ito… puro prayers lang,” esplika ni JC.

Nagpahayag din ng kagalakan si JC dahil nasa book-two na raw ngayon ang serye nilang Moon of Desire.

“Nasa book two na kami and so far ay hindi pa namin alam kung hanggang saan. Pero siyempre po, kung mas matagal ay mas okay, hindi ba?”

Samantala, bukod sa pag-hataw niya sa TV, may movie rin ngayon si JC. Isa siya sa lead stars ng pelikulang Once A Princess ng SkyLight at Regal Entertainment.

Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Laurice Guillen at pinagbibidahan din nina Erich Gonzales at Enchong Dee.

Nabanggit ni JC na kompor-table at masaya siya sa proyektong ito. Kahit first time daw niyang nakatrabaho si Erich, naging maayos ang kanilang shooting.

“Ang sarap  ng feeling na mayroon kang katrabaho na pinapagaan ang mundo mo sa set at hindi ka nakararamdam ng pressure,” saad ng actor na idi-nagdag pang suwerte siyang maging co-star ang aktres.

Hinggil naman sa kanyag papel sa pelikulang ito, sinabi ni JC na naiiba sa mga nagawa na niyang pelikula. Hindi naman daw siya kontrabida rito talaga, pero malaking challenge raw sa kanya.

“Gray iyong character ko rito and sa totoo lang, na-challenge ako rito. Hindi siya kontrabida, pero there’s good, there’s evil na makikita mo sa karakter ko na hindi mo alam talaga kung saan pupunta e.”

CINEMALAYA 2014, INAABANGAN NA NG MARAMI!

THIS early ay marami na ang excited sa pagbubukas ng Cinemalaya 2014 na magsisimula sa August 1 to 10 sa Cultural Center of the Philippines, Greenbelt 3, Trinoma at Alabang Town Center at Fairview Terraces.

Siyempre pa, ang inaabangan talaga rito ay ang mga kalahok na pelikula sa yearly event na ito.

Personally, ang dami na-ming gustong panoorin. Actually, lahat ng entries ay maganda. Pero gusto kong unahin ang Hustisya ni Direk Joel Lamangan na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Tapos ay ang Asintado ni Direk Louie Ignacio, ang Separados ni Direk GB Sampedro, The Janitor ni Direk Mike Tuviera , at 1st ko si 3rd ni Direk Real Florido.

Hopefully, umaasa kami na mapanood namin ang lahat ng entry this year.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *