Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon-Gabby team up, wala ng magic

072514 Sharon Gabby
ni Ed de Leon

MAY mga naririnig kaming may balak daw talagang pagsamahin sa isang pelikula ang dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Siguro nga ang inaasahan nila, nariyan pa iyong mga dating Sharon-Gabby fans na nakagawang malalaking hits ng mga pelikula nila noong araw, after all hindi pa naman siguro masyadong matatanda ang mga iyon.

Siguro iniisip nila na baka riyan makabawi naman si Sharon matapos siyang magkamali ng diskarteng lumipat ng ibang network, na kumita nga siya ng malaki pero lalo namang walang nakapanood ng shows niya dahil sa mahinang signal. Hindi natin maikakaila na bumaba ang popularidad si Sharon nang mapunta siya sa ibang network.

Si Gabby naman ay hindi na ganoon kalakas ang following simula nang magbalik matapos ang pagkawala sa showbusiness ng 13 taon. Maging ang pelikulang pinagsamahan nila ng kanyang anak na si KC Concepcion na inaasahan nilang aangat lalo na’t inendoso pa nga rin ni Sharon ay bumalibag pa rin. Kaya nga si Gabby ngayon supporting roles na lang ang ginagawa, pero siguro umaasa silang kung si Sharon ang leading lady baka sakaling maging bida pa siya.

Pero kung kami ang tatanungin, mukhang wala nang magic ang tambalan nila. Wala na kasing romantic angle na siyang nagdala sa kanilang team up noong araw. May iba nang pamilya si Sharon. Si Gabby naman ilang beses na nga bang nagpakasal ulit matapos na mahiwalay kay Sharon? Bukod sa megastar, tatlong iba pang babae ang naanakan niya. Ano pang romantic angle ang maiisip ninyo roon?

Kung sa bagay kanya-kanyang opinion iyan, pero kung kami ang tatanungin, parang mas naniniwala kaming magiging ok pa iyong nauna nilang balak na ang pagtambalin sa pelikula ay si Sharon at si Richard Gomez. Mukhang mas kikita pa iyon. Kasi tingnan naman ninyo ang track record ni Goma hanggang ngayon, malakas pa rin ang following. May nabitin pang project noon si Sharon na makakasama si Aga Muhlach, ok din siguro iyon. Pero iyong Sharon-Gabby, may papatos pa ba roon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …