Friday , April 4 2025

Pasyente sa Maynila pinagbabayad ni Erap

072514 money manila hospital
KAILANGAN nang ipatupad ang paniningil ng mga ospital na pinamamahalaan ng lungsod ng Maynila dahil sa kakapusan ng pondo at para hindi na ito mapabayaan tulad ng pamamalakad ng nakaraang lokal na administrasyon.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada sa ginawang SOCA o State of the City Address, at inamin na mahigit P4 bilyon ang iniwang utang ng dating alkalde habang mahigit sa P2 milyon lamang ang iniwan sa kaban ng lungsod.

Habang tiniyak ni Estrada na ang mga lehitimong residente ng lungsod ng Maynila ay libre pa rin sa public hospitals sa Maynila.

Kadalasan aniya ay hindi nakikinabang ang mga Manileno sa mga libreng serbisyo at pa-ospital sa lungsod dahil sinasamantala ng mga taga-ibang lungsod o bayan ang libreng serbisyo.

Iginiit ni Erap, bagama’t libre noon ang pagpapagamot sa mga ospital sa lungsod ng Maynila, nagiging problema ang kawalan ng gamot at kakulangan ng mga kagamitan dahil sa “deplated”  ng pondo at lubog sa utang ang lokal na pamahalaan.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *