Wednesday , December 4 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 40)

TSAPTER NA SI KARLA MATAPOS MALAMAN NI LUCKY NA INITIATION LANG PALA SIYA …

“Thank you sa pagbibigay mo ng oras at pagpapaunlak sa akin…” aniya nang gawaran ako ng halik sa pisngi.

Pakonswelo ba niya iyon sa akin?

Linggo. Sa buong maghapon ay wala akong natanggap na tawag o text mula kay Karla. “Can not be reach” ang linya niya. Ibig sabihin ay nagpatay siya ng cp o walang cellsite sa kanyang kinaroroonan.

Lunes. Ganu’n ulit. Maghapon akong nag-abang sa kanyang tawag o text pero hindi rin siya nagparamdam man lamang sa akin. Na-ngako pa naman siya na Monday ko malalaman kung ano ang tunay na feelings niya sa akin.

Pag-uwi ko sa boarding house buhat sa school ng alas-nuwebe ng gabi ay ibinalita agad ni Taba-Choy: “May nag-deliver ng package para sa ‘yo…” Nasa ibabaw na ng kamang tulugan ko ang balot na balot na package. Nabasa ko ang pangalan ng sender niyon: “Karla Rosales.” Naisip ko agad na ‘yun ang larawan ko na ipi-ninta niya. Sabik kong binuksan iyon. At nanlaki ang ulo ko sa sobrang tuwa nang bumulaga sa akin ang painting niya.

“Wow!” ang naibulalas ko sa paghanga.

Tumunog ang cp ko. Nag-text si Karla. “Thanks for everything…” ang mensahe niya sa akin.

Nang bulatlatin kong maigi ang package ng painting ay saka ko lang nakita ang thank you card at ang sulat na kalakip niyon. Ganito ang sinabi niya: “Maraming salamat sa pakikipagkooperasyon mo sa akin. Mataas na marka ang ibinigay sa akin ng aming prof sa aking obra nang ipresinta ko ‘yan kaninang umaga. Tata-patin kita… Bahagi ng pagsubok noon ng aking master sa fraternity ang panliligaw ko sa isang binatang estudyante ng Uste. Nagkataon lang na naging ikaw iyon. Hindi mahalaga kung type ko o hindi ang aking liligawan. Hindi rin mahalaga kung type niya ako o hindi. At wala rin sa usapan namin kung mapasagot ko siya o hindi. Ang utos lang ng aking master ay ligawan ko ang unang lalaki na makikita ko sa canteen ng Uste nu’ng araw na ‘yun. Maunawaan mo sana ako…My apology, Karla.”

Ang sakit naman!

Kaya lang, nang magkita-kita kami sa campus nina Biboy, Arvee at Mykel ay tindig teksas pa rin ako. Ipinagparangalan ko sa kanila ang aking larawan na guhit ni Karla. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Christmas by the Lake Taguig Cayetano

Christmas by the Lake ng Taguig muling binuksan sa publiko, tampok mga bagong atraksiyon

NGAYON sa ikatlong taon nito, ang pinakaaabangang Christmas by the Lake ay muling binago ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *