Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot utas sa tandem (8-anyos sugatan)

BINARIL at napatay ang 24-anyos lalaki ng motorcycle riding-in-tandem habang sugatan ang 8-anyos batang lalaki nang tamaan ng ligaw na bala sa Makati City kamaka-lawa ng gabi.

Nalagutan ng hininga bago idating sa San Juan De Dios Hospital si Rodante Argie Mahinay ng #720 Dimasalang St., Pasay City, tinamaan ng bala sa leeg at katawan.

Dinala sa Makati Medical Center (MMC) ang batang si Michael, ‘di tunay na pangalan, ng Park Avenue, Pasay City, tinamaan ng bala sa kanang kamay.

Tinamaan din ng bala sa insidente ang nakaparadang gray na Toyota Altis (ZTE-129).

Base sa inisyal na ulat ni SPO3 Jayson David, naganap ang insidente sa harapan ng Jollibee Food Chain, Shell Gasoline Station, Humabon St., Brgy. Magallanes, Makati City.

Naglalakad ang biktima mula food chain nang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka sakay ang magkaangkas na dalawang lalaki saka binaril si Mahinay.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …