Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loveteam nina Vice at Karylle, kinabog ang KathNiel at DongYan

072314 karylle vice kathniel dongyan
ni Danny Vibas

IBANG klase na talaga ang fans ngayon. Para pala sa kanila, okey na okey ang love team nina Vice Ganda at Karylle na sa It’s Showtime lang naman ng ABS-CBN nag-e-exist and nowhere else. At isang joke lang naman ang love team na ‘yon.

Pero, hayun, pinanalo ng fans ang love team-love team-an na ‘yon bilang Love Team of the Year sa Yahoo Celebrity Awards na idinaos noong Biyernes ng gabi sa The Arena sa Mall of Asia. Tinalo ng joke only na love team na ‘yon ang kina Marian Rivera-Dingdong Dantes, Kathryn Bernardo-Daniel Padilla, Kim Chiu-Xian Lim.

Noong tinanggap nila ang award, si Vice nga mismo ay nagsabing hindi n’ya maintindihan kung anong gustong palabasin ng fans sa pagboto sa kanila. Matatandaang nagkairingan pa ‘yung dalawa noon sa pagpapa-loveteam sa kanila. Nainis nga raw kasi ang noon ay boyfriend pa lang ni Karylle na si Yael Yuson, ang miyembro ng Sponge Cola band.

Dahil siguro ayaw na ni Vice na magkaroon sila ni Karylle uli ng iringan, hindi n’ya pinatulan ang pangangantyaw nina Robie Domingo at Maxene Magalona, hosts ng awards, na mag-kiss sila. Ni mag-beso on stage, hindi ginawa nina Vice at Karylle.

Next year kaya ay si BB Gandanghari (formerly known as Rustom Padilla, ex-husband of Carmina Villaroel) naman ang may joke only na ka-love team na babae? Si Carmina kaya ‘yon? Papanalunin din kaya sila ng fans sa Yahoo Celebrity Awards?

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …