Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN, big winner sa Yahoo Awards

James Ty III

ILANG mga programa at artista ng ABS-CBN ay naging big winner sa 2014 Yahoo Celebrity Awards na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong July 18.

Nanalo bilang Celebrity of the Year at Actress of the Year si Kim Chiu samantalang naging Movie of the Year ang kanyang Bride For Rent katambal si Xian Lim.

Nagdiwang din ang fans ni Kim dahil napiling Fan Club of the Year ang kanyang grupong Kimsters.

Actor of the Year naman si Coco Martin habang napiling Teleserye of the Year ang Ikaw Lamang nacang kontrabida’y si Jake Cuenca ang nagwaging Male Kontrabida of the Year.

Bongga ang naging performance nina Sarah Geronimo at Bamboo bago tinanggap ang kani-kanilang mga parangal bilang Female and Male Performer of the Year.

Si Vice Ganda ang Social Media Star of the Year at naging bongga ang kanyang suot na may hugis-ahas sa katawan.

Ang tambalan niyang si Karylle ang napiling Love Team of the Year.

Nakuha naman ni JC De Vera ng Moon of Desire ang parangal na Emerging Actor of the Year samantalang si Andrea Brillantes ng Anna Liza ang Child Star of the Year.

Nanalo bilang Best Female TV Host si Kris Aquino ng Kris TV at si Vhong Navarro naman ng Showtime ang nagwagi bilang Best Male TV Host.

Best TV News Program ang TV Patrol ng Dos samantalang ang DJ ng MOR 101.9 FM na si DJ Chacha ang Female Radio DJ of the Year.

Ang mga ibang nanalo sa Yahoo Awards ay sina: Jake Vargas at Bea Binene; Celebrity Family of the Year: Robin Padilla at ang kanyang pamilya; Female Kontrabida of the Year: Jennylyn Mercado; Male Radio DJ of the Year: Papa Jack ng 90.7  Love Radio; Male Hothletes of the Year: Jeric at Jeron Teng; Female Hothlete of the Year: Gretchen Ho; Band of the Year: Parokya ni Edgar; Emerging Band of the Year: Yolanda Moon; Best FM Radio Station: Love Radio 90.7 FM.

Nag-perform din sa Yahoo Awards sina Mark Herras, Jasmine Curtis, Sam Concepcion, Gary Valenciano at ang anak niyang si Gab, Jay-R, Elmo Magalona, at Maja Salvador.

Naging hosts ng awards night sina Maxene Magalona at Robi Domingo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …