Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, give-up na raw sa love

072314 angel kris
 ni ROMMEL PLACENTE

NOONG nag-guest si Angel Locsin sa Kris TV ni Kris Aquino kamakailan ay sinabi niya rito na hindi pa siya nakapupunta ng Italy.

Sabi ni Kris, maganda raw sa Italy. At para makapunta sa Italy si Angel ay isang Italy honeymoon ang ipinangako ng Queen of All Media na ireregalo niya kina Angel at Luis Manzano kapag ikinasal na ang mga ito.

Sa panayam namin kay Kris after niyang tanggapin ang award bilang Female TV Host of the Year sa katatapos lang na Yahoo! Celebrity Award na ginanap sa SM MOA Arena ay ipinaliwanag niya kung bakit  isang Italy honeymoon ang ireregalo niya kina Angel at Luis kapag nagkatuluyan o ikinasal na ang mga ito.

Umpisa ni Kris, “Kasi ganito ‘yun, parang, sabi nila kasi, instrumental ako sa pagre-reunion nila, ‘yung pagre-reconcile nila. Kasi noong nag-Yolanda effort kami ni Angel, parang sinasabi ko sa kanya na paulit-ulit na, ‘You know, I think it’s only a matter of time na magkakabalikan talaga kayo ni Luis’

”Tapos sinasabi niya, ‘Hindi, hindi.’ Si Luis naman, sinasabi ko na, ‘If ever it happens, I’ll be your Ninang.’ Tapos nagulat na lang ako noong nag-reconnect sila ng New Year, ‘tapos noong nagdi-date na ulit, ako ‘yung tinext nila.” Patuloy ni Kris, “Sabi ko, okay, since I’m your ninang, napakalaking pressure para pag-ipunan ko talaga kung ano ‘yung regalo ko sa kanila.

“Tapos si Angel, nabanggit niya na she’s never been to Italy. So, ang sinabi ko sa kanya, kasi we’re talking about Florence, kasi may Italian restaurant kaming kinainan. So, sabi ko, ‘Okey, sagot ko na ‘yung airfare, sagot ko ‘yung Florence lang, ha? Ang mahal ng Venice, kayo na ‘yan.

“’Yung four nights ninyo sa Florence at ‘yung airfare ninyong dalawa,’ ‘yun ang regalo ko ‘pag ako ang nag-ninang’.”

So ibig ba niyang sabihin ay hindi na puwedeng maghiwalay sina Angel at Luis dahil may ipinangako na siyang regalong honeymoon sa kanilang kasal?

”Alam mo, sa nakikita ko sa kanilang dalawa, hindi na talaga maghihiwalay dahil mararamdaman mo ‘yung genuine na pagmamahalan sa isa’t isa. At nakaka-inspire silang dalawa dahil pareho silang napakabait,” sagot ni Kris.

Nag-wish din ba si Kris na magkaroon ng Florence honeymoon?

”Hindi na. Okey na ako. Okey na ako with my two sons. Okey na ako sa takbo ng career ko.

“Parang sinabi ko nga, siguro ‘yun ang sinabi ni God na, ‘Hoy, huwag kang masyadong maraming hinihingi, makuntento ka sa kung anong mayroon ka.”

Hanggang matchmaker na lang ba ang magiging papel niya?

”Alam mo, ‘yun ang sinabi ni Kuya Kim (Atienza). Kasi ninang ako nina Karylle at Yael (Yuzon) Magni-ninang ako kay Kuya Kim. Magni-ninang ako kina Angel at Luis. At sa mga staff ko, ang dami ko na ring nag-ninang.  Lahat sila happy.

“So, sabi ni Kuya Kim, na-transfer ko na raw ‘yung happiness sa kanila, so, okey na rin ‘yun.”

Give up na ba siyang magkaroon ng lovelife? Parang ang aga niya namang sumuko agad?

Natawa muna nang malakas si Kris bago sinabing, “Oo, give up na! Hayaan mo na lang muna. Parang hindi talaga roon ang suwerte.

“And siguro, kung anuman, parang as it is now, masasabi kong okey ako kasi kailangan pa ako ng mga anak ko. Kasi seven lang si Bim, 19 lang si Josh.

“Siguro ‘pag hindi na nila ako kailangan, doon ko mapi-feel na sad ang buhay. But while you feel needed in love, it’s okay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …