Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, interesting ang role sa JasMine

 072314 robin padilla jasmine curtis

ni Ronnie Carrasco III

SIGURADONG daragdag sa mas kapana-panabik na mga eksena ng Jasmine ang pagdating ng panibagong karakter na gagampanan ni Robin Padilla.

Nagsimula na noong July 6 ang character role ni Binoe bilang Julius Jacinto, isang magaling na pulis na nawalan ng tiwala sa sistema ng pulisya matapos siyang ma-dismiss dahil sa pag-iimbestiga sa kaso ng isang tiwaling politiko.

Dahil sa kanyang pinagdaanan, naging lasenggero si Jacinto pero dahil sa pagkawala ni Inspector Ramon Ramirez (Matthew Padilla), kakailanganin niyang bumangon at humanap ng katarungan sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan.

”Interesting ang role ni Robin dahil sa simula ay lasenggo nga siya, wala nang naniniwalang magbabago pa siya. Unti-unti siyang magbabago yon throughout the series. ‘Yun ang dapat abangan ng mga manonood dahil ibang klaseng Robin Padilla ang mapapanood nila,” anang direktor nitong si Mark Meily.

Samantala, maging ang Kapatid princess na si Jasmine Curtis Smith cannot contain her excitement na makatrabaho si Robin. Agad-agad nag-post ng mga papuri si Jasmine sa social media, na siya namang nakakuha agad ng positibong reaksiyon mula sa kanyang napakalaking online fan base.

Makatutulong kaya si Jacinto kay Jasmine para mapigil si Maskara? Makakamit ba ni Jacinto ang katarungan para kay Ramirez?

Tutukan si Robin sa Jasmine every Sunday, 5:00 p.m. (with replays at 10:00 p.m.) on TV5.

Samantala, with Robin on the grounds of TV5, hindi imposibleng magkrus ang landas nila ni Vin Abrenica, kapatid ni Aljur na ex-boyfriend ng kanyang anak na si Kylie. Ang tanong: what would the scenario be like when they cross paths?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …