Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dr. Calayan, artista na

ni Alex Datu

PAPEL ng isang doktor ang gagampanan ni Dr. Manny Calayan sa isang indie film, angMagtiwala Ka na bida sina Keanna Reeves, Andrea del Rosario and introducing si Kevin Mercado.

“True-to-life ang role ko, isang doktor pero hindi ‘yung cosmetic surgeon kundi nanggagamot sa mga may sakit,” paliwanag nito nang nakausap namin sa phone.  Inamin nitong nagandahan siya sa istorya lalo pa’t mga Yolanda victim ang tinatalakay sa indie film. ”Napanood ko ang movie, maganda ang pagkagawa, maganda ang mensahe na tiyak gigising sa diwa mga kababayan natin at marami kang matututuhan dito tulad ng distribution of relief goods, tubig at pagkain. Tiyak magdurogo ang puso mo kapag napanood ninyo ang pelikula dahil on the spot video footage ang makikita ritonkaya napabilib ako ni Direk Joric (Raquiza), bata pa siya pero magaling.”

Ayon naman kay Direk Joric, mga makabagbag damdaming eksena ang mapapanood saMagtiwala Ka at malaking tulong ang actual video footage para magiging makakatotohanan ang pelikula. Mga biktima mismo ng bagyo ang kasama sa pelikulang kaya tiyak mararamdaman natin ang hirap ng kanilang kalooban habang pinapanood sila.

May pinanggagalingan si direk Joric kaya sobrang makatotohanan ang paggawa ng pelikula dahil isa siyang biktima ng Yolanda.  As in, lahat ng ari-arian na naipundar nito ay nawala lahatvsa isang iglap lang.

Aniya, “For me, it’s only a material pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil buhay pa rin ang pamilya ko.”

Ang Rhythmtion ang kumanta ng theme song ng Magtiwala Ka na kasalukyang palabas na sa SM Cinemas, Robinsons Theaters, Ever Commonwealth and Ortigas. And speaking of Dr .Calayan, may ‘Rainy Season Promo’ ngayon ang Calayan Surgicenter tulad ng pagbibigay ng 20% off on all surgeries.  Kaya, avail now dahil hanggang August 31, 2014 ang nasabing promo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …