Thursday , December 26 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 38)

SA WAKAS NAITANONG RIN NI LUCKY KUNG ANO TALAGA ANG PAKAY NI KARLA SA KANYA

Biyernes. Kung noon ay puro text messages lang ang natatanggap ko sa umaga kay Karla, nang araw na ‘yun ay maaga siyang tumawag sa akin. Naitanong niya kung bakit maghapon kahapon ay ‘di niya ako makontak-kontak sa cp ko. Tinapat ko naman siya na sadya akong nagpatay ng cp dahil sa pagre-review sa dara-ting na exams ngayong Biyernes. “Bukas na ‘yung painting session natin, ha?” paalala niya sa akin. “Natatandaan ko,” ang maagap kong naisagot sa kanya na may pahabol na “Pero teka…ano ba talaga ang balak mo sa akin?”

Tumawa siya nang pagkalakas-lakas. Tapos, sabi niya: “Mukha ba akong manyakis para paghinalaan mong rereypin kita?”

“Pwede naman kasi akong kaibigan… dabarkads… o plain and simple kabatian lang. Ang ayoko lang, e, ‘yung mapaikot ako na parang trumpo,” pagbibigay-diin ko. “Mamaya, ma-in-love ako sa iyo nang totohanan… Paano na si ako?”

“Ah, okay… I understand,” biglang naging seryoso ang tono niya. “Pwedeng sa Monday ko sagutin ang tanong mo?”

Sa likod ng utak ko, “Bakit sa Lunes pa?” Pero hindi ako nakakibo.

“Pagkatapos ng painting session natin bukas, pwede bang kinagabihan ay samahan mo naman akong mamasyal sa Rizal Park?” ani-yang may paglalambing.

Bigla akong napangiti. Naalala ko kasi ang bersiyon ni Rico J. Puno sa kantang “ Memories.” ‘Yung mag-sweetheart na namamasyal doon nang walang pera.

“At ano naman ang gagawin natin du’n?” naitanong ko kay Karla.

“W-wala lang… Let’s just pretend na magsyota tayo. ‘Di pa kasi ako nakararanas magka-boyfriend, e,” aniya na mala-true confession ang dating sa akin.

Sabado. Bago namin sinimulan ni Karla ang painting session ay nag-almusal muna kami sa isang chicken house sa bisinidad ng aming eskwelahan.

Matapos iyon, dakong alas-siyete ng uma-ga ay nasa harap na siya ng painting canvass. Nakaupo naman ako sa damuhan, hawak ang isang aklat, at natatalikuran ko ang isa sa mga gusali sa compound ng Uste. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *