KAPWA NAKASALANG SA MAPANUKSONG SITWASYON SINA JOMAR AT MARY JOYCE NANG DUMATING SI GOB PJ
“Bakit pa tayo lalayo? De-aircon din naman ang kwarto ko…” sabi ni Mary Joyce, namumulupot ang mga bisig sa kanyang katawan.
“B-Baka… Baka mabisto tayo ng mga kasama mo rito…” aniya nang hilahin siya sa kamay ng dalaga.
“Ako’ng bahala…”
At kinilig nang tawa ang bunsong anak ni Gob PJ Revillaroja.
Bukas na rin ang pintuan sa likod ng rest house. Kinalawit si Jomar sa baywang ni Mary Joyce sa pagpasok nila roon. At pahagod nitong dinama ang nagpupumiglas niyang damdamin. Saka nagbasa ng mga labi sa pagtakam. Ramdam na ramdam na rin niya ang pag-iinit ng buong katawan ng dalaga.
Isinandal niya sa likod ng pintuan si Mary Joyce. Hinagkan niya ang malalambot na labi nito. Kinapa ng palad niya ang matatambok na kalamnan ng dibdib. At sinalat din ang simbolo ng isang eba.
Pero bigla na lang lumangitngit ang pintuan sa bungad ng mansion. Pumasok doon si Gob PJ Revillaroja na kabuntot ang nakatalagang guwardiya at ang tatlong alalay na bodyguard nito. Nagbigay ng mahigpit na tagubilin sa bantay ng mansion na huwag basta-basta magpapasok doon ng kahit sino at bantayan din maigi ang dalagang anak.
Pagkarinig ni Jomar sa boses ng gobernador ay dali-dali siyang kumawala sa pagkayakap ni Mary Joyce. Sinabihan niya ang dalaga na doon na lamang sila magkitang muli sa hotel na kanyang tinutuluyan.
“I-text o tawagan mo na lang kung kelan ka pupunta…” aniyang pawisan ang noo sa nerbyos.
“Okay… See you soon…” sabi ni Mary Joyce na nakuha pang ngumiti at mukhang ‘di man lang natetensiyon.
Walang inaksayang sandali ang binatang salesman. Noon din ay ura-urada siyang tumalilis palayo ng mansion ng Revillaroja.
Malaking palaisipan pa rin sa mga tauhan ng pulisya ang kaso ng pamamaslang kay Mary Jean, ang nakatatandang kapatid ni Mary Joyce. Marami pa rin katanungan ang dapat masagot ng mga imbestigador:
Bakit walang finger print sa crime scene?
Bakit wala rin bakas na naiwan sa pinagdaanan ng suspek o mga suspek?
Bakit nawawala ang kitchen knife sa mansion na ayon sa kusinera ay kamukha iyon ng kutsilyong ginamit sa pamamaslang sa biktimang si Mary Jean?
Bakit walang footage na kuha ang CCTV maging sa labas ng kwarto ng biktima sa mansion?
(Itutuloy)
ni Rey Atalia