Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pancho, ‘di raw GF si Max

072014 Pancho Magno Max Collins

TODO-deny si Pancho Magno na girlfriend niya si Max Collins. Kahit anong kulit na mas may oras na sila ngayon dahil katatapos lang ng serye ni Max, consistent sa pagsasabi si Pancho na sobrang busy si Max.

Saan naman kaya busy? Ha!ha!ha!

Sobrang bestfriends daw sila ni Max pero wala namang ibang crush si Pancho kundi ang aktres.

Hindi rin nanliligaw sa iba si Pancho at hindi rin nagpapaligaw sa iba si Max. Bakit hindi pa nila seryosohin ang sitwasyon, aber? Right timing pa  raw ang hanap nila.

AIKO, PINATAWAD AT IPINAGDARASAL SINA ARA AT MAYOR PATRICK

BAGAMAT napapabalitang ikakasal na sina Mayor Patrick Meneses at Ara Mina, hiningan ng komento si Aiko Melendez tungkol sa dalawa.

Ex-boyfriend ni Aiko si Patrick at matagal na ring may sigalutan sina Aiko at Ara dahil kay Jomari Yllana noong araw.

Sa panayam ng Aquino & Abunda Tonight ay sinabi niya na hindi lang niya napatawad ang dalawa kundi ipinagdarasal pa niya.

“Mahirap man isipin… Dapat ‘pag healed ka na, ‘di ba, mapagdarasal mo na ‘yung tao, so that’s what I do now. I pray for them,” deklara pa ng aktres ng Asintado para sa Cinemalaya under the direction of Louie Ignacio.

Patuloy pa ring itinatanggi ni Aiko ang tsismis na nagkabalian na sila ng kanyang mister na si Jomari.

‘Yun nga lamang!

LUV U OLD AND NEW CASTS, MAY AWAY?

NAGBALIK na ang dating cast ng youth-oriented  comedy show na Luv U na napapanood tuwing Linggo ng  hapon  sa ABS-CBN 2  gaya nina Miles Ocampo, Kiray Celis, Igi Boy Flores, at iba pa. May  rivalry bang nangyayari  sa dalawang batch ng Luv U?

“Hindi naman po, kasi actually iyong mga dating member ng ‘Luv U’ ay kasama namin sa ‘Goin’ Bulilit’. So, hindi kami magkakaroon ng rivalry…Sinabi naman ng mga writer na halimbawa ‘yung characters ng old, parang, ‘di ba, dati ‘yung new roon ay sila lang ‘yung may problema? Ngayon, ime-merge na nila, ‘yung old and new ay magkakaproblema rin. So, parang pantay-pantay lang,” paliwanag ni Nash Aguas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …