Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathniel, nag-level up na ang acting

072014 kathniel

ni Eddie Littlefield

Happy naman si Direk Cathy sa kinalabasan ng pelikula nila. Naibigay daw ng dalawa ang gusto niyang mangyari sa bawat eksena. Lalo na ‘yung mga sweet moment ng KathNiel. Wala siyang kahirap-hirap idirehe ang mga ito. Puro take one, alam na kasi nila kung ano ang gustong magyari ni Direk Cathy sa bawat eksenang kukunan.

“Feeling ko nga, parang bumata ako habang ginagawa ko itong pelikula namin nina Daniel at  Kath. Napaka-professional nila, nag-level up na sila,” pagmamalaking sabi ng box-office  director.

Kung si John Lloyd Cruz ang panganay ni Direk Cathy, si Daniel naman ang bunso niyang  anak at baby. “Playful pa rin sila sa set, makukulit, typical teenagers. Ini-enjoy ko talaga  sila katrabaho,” turan pa niya.

Wika naman ni DJ, “Hindi ka makakaramdam ng pagod habang nagtratrabaho dahil ito talaga ang gusto ko. Wala kang mararamdamang lungkot dahil lahat kami sa set masaya. Hindi nga nawala ang excitement ko kapag kasama ko si Kathryn.”

Comment naman ni Kathryn about Daniel.”Nakita ko si DJ na nag-grow. Proud ako sa kanya dahil hindi siya nagbabago kahit marami na siyang nagawa. Hindi ako nagsasawang kasama siya.”

Oo naman, obvious na may MU na nga silang dalawa kahit hindi nila aminin.

SHE’S DATING THE GANGSTER, ‘DI LANG PANG-TEENS, PANG MOMMY DIN

MAG- I- ENJOY ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa biggest romantic film nilang She’s Dating The Gangster ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Ito’y  film adaptation ng best selling Filipino novel ni Bianca Bernardino.

Kuwento nga ng writer, nang isinusulat niya ito, nasa isip agad niya na bagay kina Daniel at Kathryn ang character nina  Kenji at Athena, ang batang magkasintahan.

Pinaliwanag ni Ms. Bernardo, may kaunting  pagbabago sa movie na maraming idinagdag para lalong maging realistic ang takbo ng istorya dahil pelikula nga ito. Naging maayos naman ang pag-uusap nila ni Direk Cathy Garcia-Molina. At sa tingin nga  raw niya, mas lalong magugustuhan ng diehard fans ng KathNiel kapag pinanood ang  pelikula.

“Ang readers ko teenager, makare-relate ang mga mommy sa movie namin,” say ni  Ms. Bernardino.

Wala nang dapat patunayan ang tandem nina Daniel at Kathryn dahil  top rating  at hit ang soaps  nilang Princess & I at Got To Believe. Naging mega blockbuster din ang  pelikula nilang Pagpag: Siyam Na Buhay sa Metro Manila Film Festival 2013. Hawak nito  ang record bilang highest-grossing horror film na sumali sa MMFF.

Super nag-enjoy sina Daniel at Kath habang ginagawa ang pelikula. Say nga ng young  actor, “dito na kami nag-mature ni Kathryn, ibinuhos na namin ang lahat para magustuhan ng  manonood ang pelikula namin. Proud ako, habang ginagawa namin ito, marami akong natutuhan kay Direk Cathy.”

HOTTEST LOVETEAM NG BAGONG HENERASYON

Click sa masa ang tandem nina Daniel at Kath kaya’t sinasabing sila na ngayon ang bagong Juday (Judy Ann Santos)-Piolo (Pascual) at Bea Alonzo)-Loydie (John Lloyd)—hottest loveteam ng bagong henerasyon.

“Unique ang love team nina Daniel at Kath. Daniel is Daniel,  iba siya. Hindi mo puwedeng i-compare kung kanino,” paliwanag ni Direk Cathy.

Dugtong naman ni DJ, “Sina Piolo at John Lloyd, Judy Ann at Bea inspirasyon sila. Hindi sila  sumikat dahil magaganda sila at pogi. Sila ang inspirasyon namin ni Kath. Sana’y dumating  ‘yung araw na maging katulad din nila kami.”

Kahit alam natin may something kina Daniel at Kathryn, wala pa ring pag-amin sa tunay nilang relasyon. Nakabitin pa rin sa ere kung anong stage na nga ba ang kanilang relationship. Pero  very vocal naman si DJ na nag-iisa lang sa puso niya ang young actress. Nang tanungin si  Kath kung may posibilidad na maging mag-sweetheart sila ni Daniel  in real life ? Mabilis ang  sagot ng dalaga, “Oo naman.”

‘Yun na.

Kasama rin sa She’s Dating The Gangster sina Khalil Ramos, Sofia Andres, Pamu  Pamorada, Marco Gumabao, John Uy, Alex Diaz, Igi Boy Flores, at Yana Asistio. Special  guests sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …