Wednesday , April 9 2025

Dutch, 7 pa timbog sa droga (Drug den sinalakay ng PDEA)

WALO katao kabilang ang isang Dutch national ang syut sa kulongan nang arestohin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang raid sa Butuan City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina  Robert Stoffelen, 51, nakatira sa Purok 3-A, Resurrection, Brgy. Holy Redeemer, Butuan City; Sallie Villahermosa, 35; Rey Roco, 32; Alfie Semogan, 30; Joseph Tucang, 21; Ryan Calub; Renwek Pecasales, 21 at Susan Pugahan, 28.

Naaresto ang mga suspek sa bisa ng inisyung search warrant ni Judge Eduardo Casals, ng Butuan City Regional Trial Court (RTC) Branch 1 sa bahay ni Stoffelen dahil umano sa ginagawang drug den ang nasabing bahay.

Sa nasabing raid, nakakuha ang mga awtoridad ng tatlong sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Si Stoffelen ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 6 (maintenance of a drug den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), at Article II ng Republic Act 9165, habang ang pito pang dinakip ay kakasuhan ng paglabag sa Section 7 (Visitor of a Drug Den).

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

knife, blood, prison

Step-son patay, ka-live-in sugatan sa saksak ng selosong partner

NADAKIP ng pulisya nitong Sabado, 5 Abril, ang isang lalaking inakusahang pumatay sa kaniyang anak-anakan …

Marilao Bulacan Planta sangkap bomba NBI

Sa Marilao, Bulacan
Planta ng sangkap sa paggawa ng bomba sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang …

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *