Wednesday , December 4 2024

So nakamasid sa titulo

NAKATAKDANG kalusin ni Pinoy hydra grandmaster Wesley So ang makakaharap sa sixth at penultimate round upang palakasin ang tsansa na masungkit ang titulo sa ACP Golden Classic Bergamo 2014 International Chess Tournament sa Italy .

Hawak ni 20-year old So ang tatlong puntos upang masolo ang top spot papasok ng sixth at penultimate round.

Nakamasid sa likuran niya si GM Jobava Baadur (elo 2713) ng Georgia na may 2.5 points.

Magpipisakan sina So (elo 2744) at Baadur sa round six sa event na may pitong GMs at ipinatutupad ang single round robin.

Subalit maaring makihalo sa unahan si Baadur o malampasan niya si So dahil hindi pa tapos ang laro niya sa round five kung saan ay kalaban niya si GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary .

“I never analyzed this opening lines before. I simply played the position and went on till the end.” wika ni Baadur sa laro niya kay Almasi.

Para masiguro ang asam na kampeonato kailangan pagpagin ni So si Baadur.

“Nakapagpahinga naman ako sa round 5 kaya pinaghandaan ko siya (Baadur),” ani So “Mahirap kasi malakas din na player siya pero gagawin natin lahat para manalo.”

Makakalaban ni So sa last round si Brunello Sabino (elo 2568) ng Italy .

Tabla sa round five sina Ian Nepomniachtchi (elo 2730) ng Russia at Emil Sutovsky (elo 2620) ng Israel matapos ang 60 moves ng Sicilian.

Samantala, magkasama sa third to fourth place sina Sutovsky at Nepomniachtchi tangan ang tig dalawang points habang nasa pang-lima hanggang anim na puwesto sina Brunello at Almasi bitbit ang 1.5 puntos.

Nakabaon sa hulihan si Daniele Vocaturo (elo 2584) ng host country pasan ang kalahating puntos.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *