Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga kalsada na sinalaula; Happy Birthday Rosie

TUWING madaling araw ay napapadaan tayo dito sa kalye Pampanga patungo sa Chinese Cemetery na kung saan ay nagdya-jog tayo araw-araw.

Kaya yung ginagawang mahabang drainage system sa kahabaan ng Aurora Blvd ay malaking istorbo sa ating paglalakad.   Naging problema nga natin ang nasabing kalsada noong mga nakaraang buwan kung saan tayo tatawid patungo sa destinasyon dahil walang posibleng daanan dahil sa malalalim na hukay.

Ang solusyon ng kontraktor ng ginagawang drainage system ay tambakan ng sangkatutak na buhangin ang hukay sa pagitan ng ginagawang daluyan at mismong kalye.

Anak ng tipaklong. Mukhang nasalaula ang kalye at mismong drainage system maging yung dating drainage sa mismong Aurora Blvd.   Dahil yung mga buhangin ay bumabalik sa ginagawang daluyan at doon sa dating drainage system.

Buwakanang!

Dito naman sa Pampanga St. na tumutumbok sa Aurora ay ginawa rin nitong nakaraang buwan ang maliit na kalsada.

Nakakapanlumo talaga.   Kitang-kita mo na winalanghiya ang nasabing kalye.   Dahil yung inilatag na semento sa nasabing kalye ay agad na nabakbak nang maulanan.   At nang sipatin naming mga joggers, muk-hang malabnaw ang pag-kakahalo ng semento at graba.

Hinahanap ko ang sign board kung sino ang kontraktor nito pero muk-hang walang inilagay.   Kaya tinatawagan natin ang CITY ENGINEER’S OFFICE.   Mukhang kargo ninyo ang sinalaulang kalye ng Pampanga.

Pakisilip na rin yung maliit ding kalye sa Antipolo St. malapit sa Blumentritt. Mukhang inabandona na ito ng gumagawa. Naging istasyon na ito ng biyaheng Blumentritt-Divisoria.

***

Happy birthday to Rosie!

Ang pagbati ay galing kina Chr. Bado Dino at Luz Dino at mula rin sa CLASS ’57 ng Torres High School .

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …