Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ, gustong makalampungan si Dennis

061114 LJ Reyes dennis
ni Pilar Mateo

NAPANSIN lang namin sa aktres na si LJ Reyes nang makausap namin ito na sa bawat banggit ng pangalan ng kanyang leading man sa mapapanood sa 10th year celebration ng Cinemalaya from August 1-10, 2014 (with a gala night on August 4, 6:15 p.m. at the CCP Main Theater) na si Dennis Trillo, para itong kinikiliti ng pitong duwende!

Nauna na rito ang paglabas sa balitang something’s going on na nga raw with her and Dennis.

“Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ‘yun,” sabi nitong natatawa.

So, hindi pala siya ‘yung nabalitang nakaka-date ni Dennis?

“Hindi po! Wala nga akong dates. Busy lang sa work and Aki.”

Kumusta na sila ni Paulo Avelino?

“Kaka-email niya lang the other day kasi malapit na ang birthday ni bagets sa July 24. Wala namang big celebration. Pero that’s what we usually talk about. Si bagets marami na rin tanong. Nakakatuwa!”

Nagre-request pa rin nga ba siya ng lovescene with Dennis kay direk Michael Tuviera?

“Hahaha! Panay lang naman ang biro ko kay direk.”

Ano-ano ba ang mga nakikita niyang good qualities ni Dennis na baka any moment eh, magpalapit pa sa kanila lalo?

“He’s very generous!”

Nagbibigay ng pera?

“Hahaha! Generous bilang katrabaho. Alaga ka as his co-actor. Maalaga!”

Huwag tayong magulat kung biglang may lovescene pala sila ni Dennis bilang mag-asawa naman sa pelikulang The Janitor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …