Tuesday , April 15 2025

Catapang new AFP chief (ret. Gen. Bautista bibigyan ng pwesto)

071914 pnoy AFP Catapang Bautista

INIABOT ni Pangulong Benigno Aquino III ang Saber kay Lt. Gen. Gregorio Catapang Jr. sa ginanap na Armed Forces of the Philippines Change of Command ceremony sa AFP General Headquarters grandstand ng Camp General Emilio Aguinaldo kahapon. Pinalitan ni Lt. Gen. Catapang sa pwesto ang nagretirong si AFP Chief Emmanuel Bautista. (JACK BURGOS)

PORMAL nang isinalin kahapon ni outgoing AFP chief of staff Gen. Emanuel Bautista ang posisyon kay Lt. Gen. Pio Catapang.

Sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo, mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, commander-in-chief, ang nanguna sa pagsasalin ng saber na simbolo ng pwesto.

Kasabay nito, pinarangalan ni Pangulong Aquino si Bautista sa kanyang mahusay na pamumuno sa AFP partikular ang pagresolba sa Lahad Datu crisis at naiwasan ang spillover ng kaguluhan.

Si Bautista rin ang nanguna noon sa deployment ng tropa sa Zamboanga City makaraan ang pagsalakay ng MNLF-Misuari faction.

Sa kanyang mensahe matapos mapirmahan ang appointment order, sinabi ni Catapang na labis siyang nagpapasalamat sa tiwala ni Pangulong Aquino, nagpasalamat din siya kina Defense Sec. Voltaire Gazmin at kay Bautista.

Tiniyak ni Catapang na ipagpapatuloy at palalakasin pa niya ang mga nasimulan ni Bautista.

RET. GEN. BAUTISTA BIBIGYAN NG PWESTO

IPINAHIWATIG ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon na bibigyan ng bagong pwesto sa kanyang administrasyon ang nagretiro kahapon na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Emmanuel Bautista.

“Doon po sa mga nanghihinayang sa pag-alis ni Manny Sundalo sa AFP, huwag po kayong mag-alala. Pagkatapos ng napakahabang bakasyon—mga isang buwan—ay magbabalik siya para ipagpatuloy ang paglilingkod bilang sibilyan. Sa iyo, General Bautista: Maraming salamat sa iyong serbisyo, at maraming salamat din sa iyong patuloy na pakikiambag,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa AFP Change of Command ceremony sa Camp Aguinaldo.

Si Lt. Gen. Gregorio Catapang ang pumalit kay Bautista bilang bagong pinuno ng AFP.

Magiging pang-apat si Bautista sa mga naging AFP chief o f staff sa administrasyong Aquino na nakasungkit ng pwesto sa pamahalaan makaraan magretiro sa serbisyo, nauna sina ret. Gens, Ricardo David (Immigration chief), Eduardo Oban, Jr., (Visiting Forces Agreement Commission head), at Jesse Dellosa (Customs deputy commissioner).

Hindi binanggit ni Pangulong Aquino kung saan niya planong italaga si Bautista.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *