Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lapu-Lapu, dapat lang sa isla ng Mactan!

TAMA NAMAN si Lapu-Lapu City Mayor Paz Radaza na nararapat lamang na itayo ang 40-foot monument ni Lapu-Lapu sa mismong isla ng Mactan na unang nanindigan ang ating lahi laban sa dayuhang mananakop.

Balak ni Mayor Radaza na itatayo ang nasabing bantayog ng kauna-unahang mandirigmang Asyano na lumupig sa mga dayuhan sa Mangal Point na ipinangalan sa ama ni Datu Lapu-Lapu.

Ayon kay Mayor Radaza, magiging sentro ito ng atraksyon na pupuntahan ng mga local at dayuhang turista at magsisilbing oportunidad sa kabuhayan para sa mga residente ng Lapu-Lapu City. Nais ng alkalde na tulad ng Statue of Liberty sa New York, USA, ay magkaroon ng disenyo ng isang munting isla sa dulo ng Barangay Engano. Pero kontra sa planong ito si Congressman Raul del Mar ng Cebu City at ayaw niyang ilipat ang bantayog ni Lapu-Lapu na kasalukuyang nasa Rizal Park.

Take note ha, Rizal Park kaya bakit nga naman andun si Lapu-Lapu? Bakit ba ayaw ni Del Mar na lalong sumigla ang turismo sa siyudad ng Lapu-Lapu? Di pa nga niya nasagot kung gaano katotoo na sabit din siya sa pork barrel scam na nabuking nang magsagupaan ang magtiya na si Janet Lim-Napoles at Benhur Luy?

Panahon na upang maibalik si Lapu-Lapu sa kanyang lupang tinubuan.

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Junex Doronio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …