Panibagong hamon sa CIIS-Cebu

    SA NAPIPINTONG balasahan ng mga opisyal at mga ahente ng Customs

    Intelligence and Investigation Service (CIIS), masasabing panibagong

    hamon ang bagong komposisyon nito sa Bureau of Customs (BoC) Port of

    Cebu.

    Ayon sa ating bubuyog, ililipat sa Port of Davao ang kasalukuyang CIIS

    chief Ms. Arneth Von Manquiquis samantalang ang papalit sa kanya ay si

    Diego Santiago. Maging ang kaibigan nating si β€œErning” ay β€˜di

    nakaligtas at aniya ay sa Port of Tacloban naman siya ililipat kung

    kaya nabiro ko siya kung meron pa bang Customs sa naturang siyudad na

    lubhang napuruhan ng superbagyong Yolanda na sinabihan lang ni Mar

    Roxas na: β€œBahala kayo sa buhay n’yo!”

    Napag-alaman na umabot sa 142 officers and staff ang apektado sa

    nasabing balasahan alinsunod sa Customs Personnel Order (CPO) No. B-

    42-2014 bilang bahagi na masawata raw ang korupsyon sa BoC. Mismong si

    Deputy Commissioner Jessie Dellosa ang lumakad na maaprubahan ang

    nasabing β€œrotation” na humagip sa mahigit 80 porsyento ng intelligence

    personnel.

    Samantala, umugong naman ang sitsit na nag-resign na raw si Finance

    Secretary Cesar Purisima at magkakaroon din kuno ng balasahan sa hanay

    ng district collectors. Hindi pa natin makompirma ang naturang

    alingawngaw at mukhang okey naman ang pamamalakad ni District

    Collector Roberto Almadin sa Port of Cebu.

    Nananatili siyang kalma at matatag sa kanyang pamumuno sa kabila ng

    isyu ng 12 container vans ng relief goods mula Belgium para sa mga

    biktima ng β€œYolanda” na limang buwan nang NAKATANGGONG sa Cebu

    International Port dahil hindi sinunod ng mga donors ang mga

    alintuntunin ng mga donasyon.

    Junex Doronio